Inalalayan ako ni Jeff papunta sa dining area na sinasabi niya. Pagkarating namin doon mas lalo pang rinig ko ang boses ng mga anak ko. "Hello po mommy, good morning po...." Bungad agad nila sa akin. Parehong masaya Sina Gerald at Gia base sa mga boses nila. Tumakbo sila papalapit sa akin at niyakap ako. "Good morning mga anak ko. Mukhang masaya ang mga babies ko ah," sabay ngiti ko. "Syempre naman po mommy. Masaya po ako dahil kasama natin ngayon si Mr. Jeff. Tapos siya pa po mismo ang nagluto ng mga pagkain na nandito sa mesa po ngayon. Hindi pa nga po kami nakakatikim ni kuya Gerald eh. Pero, sigurado po ako na masarap po," tuwang-tuwa na wika ni Gia. Akala ko kagabi lang 'yon. Pati pala ngayon si Jeff pa rin ang nagluto. "Ganun ba. Ede, nagpasalmat na ba ang mga anak ko kay Mr. Jeff?" sabay ngiti ko pa rin. "Opo naman mommy. Dapat lang po," sagot ni Gia. "Mommy, pagtapos po natin kumain umuwi na po tayo ah. Gusto ko na po umuwi," singit ni Gerald. Hindi ko mawari ul
Ler mais