"Diyan, gusto mo ba 'yan?" malambing na tanong ni Jeff kay Gia. Tila'y may tinuturo siya sa anak ko. "Opo, ang ganda po ang dami pong butterflies at bulaklak po. Tapos ang bago pa po ng hangin...." masayang sagot ni Gia. Kahit ako ay nalalanghap ko ang mababangong halaman. Pero, tila'y hindi ito ang garden na napuntahan namin ni Gerald noon. Ito yata ang kanilang garden na sinabi sa amin ni Winnie noon na hindi ko pa napupuntahan. Bulaklak? Bigla akong nakaramdam ng pangangati sa katawan. Allergies ako sa santan na bulaklak. Ganun din ang mga anak ko dahil nakuha nila 'yon sa akin. "Jeff, ilayo mo diyan ang anak ko," mahinang tugon ko. Dahil sa malakas na amoy ng santan agad akong nanghihina. "Mr Jeff, bakit po ang kati ng katawan ko?" Ang masiglang boses kanina ni Gia ay nanghina ito. "Mommy, namumula po ako, ang kati po ng katawan ko," dagdag pa ni Gerald dahilan na mabitawan niya ang kamay ko. "Anong nangyayari???" gulat na gulat na tanong ni Jeff na may halong takot
더 보기