"Ayos lang naman kami," nakangiting sagot ko. "Hayts, mabuti naman kung ganun." --- " Pasensya na ah, ang ingay ni Lisa. Ang babaeng 'yon ang fiance ni boss. Ang sama ng ugali, grabe. Kaya naman huwag kayo lumapit sa kaniya. Dahil kilala ko siya, wala siyang awa. Ang panget ng ugali niya. Hanggang panglalait lang naman ang alam niyang gawin. Walang kwentang babae." Tinakpan ko ang tenga ng anak ko. Habang patuloy pa rin nagsasalita si Winnie na may galit. "Ikaw Grace, huwag ka rin masyadong lumabas sa bahay na 'to. Lalo na kung wala si boss o ako. Hayts, pero huwag ka mag-alala. Dahil nakikita kong gusto ka ng boss ko. Proprotektahan kita hanggat kaya ko, okay?" Napangiti naman ako. Hindi pa niya ako lubos na kilala pero gusto niya akong protektahan. "Maraming salamat. Balang araw, mababayaran din kita," sabay ngiti ko. • • • • • Umuwi si boss ng hindi masyadong nagsasalita. Pakiramdam ko ay hindi siya okay ngayon. Ano kaya ang nangyari sa lakad niya. Gayunpaman, patuloy na lang
더 보기