Dinala ako ni Dwane sa bar. Napa-sapo ako sa noo ko, anong gagawin namin dito? Tanghaling tapat dito pa niya inisip na dalhin ako? "Walang hiya ka talaga! Umuwi na lang tayo imbis na mag-inom ng ganitong oras. Wala ako sa mood ah para makipagbiruan sa 'yo." Agad kong reklamo sa kaniya subalit tinawanan lang ako. "Para ma-relax ka, ayaw mo ba? Matuwa ka na lang kaya, kasi dinala pa kita dito," pagtatanggol pa niya sa sarili niya. "Baliw ka ba? Iinom talaga tayo ng ganitong oras? Iuwi mo na ako, wala akong oras para diyan. Bwesit ka talaga Dwane. " Napasandal na lang ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata. "Sige na, larga na. Ihatid mo ako sa bahay, gusto ko magpahinga," sabay singhap ko. "Sige na nga. Parang nagbibiro lang naman," sabay tawa niya. "Ang ganda ng biro mo, ang sarap mong sapakin," walang ganang aniya ko ngunit tumawa pa rin siya. Naramdaman ko na Lamangan na umaandar na ulit ang kotse. Hanggang sa hindi ko namamalayan na unti-unti na akong nakakatulog.
Read more