Rhenan POV “Halikan mo ang paa ko hanggang binti ko, tapos puwede ka nang lumayas at pinapakawalan na kitang maging alalay ko,” mapanghamon niyang sabi. Napatingin ako sa makinis niyang paa at sa maputi niyang binti na parang porselana. Bigla akong napangiti nang may maisip. Tingnan lang natin kung sino ang mananalo sa atin. Ang bata-bata mo pa, ganyan ka na mag-isip, demonyita ka, bulong ko sa sarili. Dahan-dahan kong hinalikan ang paa niya, saka ko iyon dinampian ng halik paakyat sa binti niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang ginagawa iyon. Habang tumatagal, parang ako mismo ang nadadala. Ang lambot ng balat niya at hindi ko namalayang umabot na ako sa hita niya. Bigla siyang napatayo. “A-anong ginagawa mo?” nauutal niyang tanong. Tumayo rin ako at ngumisi. “Hindi ba’t iyon naman ang gusto mong mangyari?” mahinahon kong sabi. “O baka gusto mo pa ng higit doon?” Sa isip ko, baka diring-diri siya sa ginawa ko. Isang taong tulad ko, isang hamak na alal
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-27 Mehr lesen