로그인Rhenan POV “Halikan mo ang paa ko hanggang binti ko, tapos puwede ka nang lumayas at pinapakawalan na kitang maging alalay ko,” mapanghamon niyang sabi. Napatingin ako sa makinis niyang paa at sa maputi niyang binti na parang porselana. Bigla akong napangiti nang may maisip. Tingnan lang natin kung sino ang mananalo sa atin. Ang bata-bata mo pa, ganyan ka na mag-isip, demonyita ka, bulong ko sa sarili. Dahan-dahan kong hinalikan ang paa niya, saka ko iyon dinampian ng halik paakyat sa binti niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang ginagawa iyon. Habang tumatagal, parang ako mismo ang nadadala. Ang lambot ng balat niya at hindi ko namalayang umabot na ako sa hita niya. Bigla siyang napatayo. “A-anong ginagawa mo?” nauutal niyang tanong. Tumayo rin ako at ngumisi. “Hindi ba’t iyon naman ang gusto mong mangyari?” mahinahon kong sabi. “O baka gusto mo pa ng higit doon?” Sa isip ko, baka diring-diri siya sa ginawa ko. Isang taong tulad ko, isang hamak na alal
Rhenan POV Hindi ako dapat nagpapadala sa paawa-awa ng babaeng iyon. Kilalang-kilala ko si Alexandra Lewis. Mana siya sa ina niyang matapobre at mapangmata sa mahihirap. Sanay siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya kahit may nasasaktan nang tao. Pero kung si Don Romano lang ang pagbabasehan… Hindi ko maitatangging may utang na loob ako sa matanda. Kahit paano, naging mabait siya sa akin noon. Hindi niya ako trinato na parang basura tulad ng asawa at anak niya. Pero si Alexandra? Napakawalanghiya niya. At habang nagmamaneho ako, biglang bumalik sa isip ko ang mga ginawa niya noon. Flashback Rhenan POV Masaya ako noon dahil sa wakas, makakapag-college na ako. Ibig sabihin… mas makakalayo na ako kay Alexandra. At mas magkakaroon ako ng oras para kay Maui. Patago pa rin kaming nagkikita noon ni Maui dahil ayaw kong mapag-initan siya ni Alexandra. Isang tingin lang namin sa isa’t isa, alam na agad namin kung saan ang tagpuan. Sa may palayan kami madalas magki
Alexandra POV Pagkatapos ng gabing puno ng init at pananahimik, agad na tumalikod si Rhenan sa akin. Parang diring-diri. Parang wala lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Tahimik akong napapikit habang unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko pa ang bigat ng paghinga niya habang nakahiga sa kama, ngunit ni hindi man lang niya ako nilingon. Parang isa lang akong bagay na ginagamit niya kapag gusto niya. Dahan-dahan akong napahawak sa tiyan ko. Napakagat ako sa labi para pigilan ang hikbi. Paano kapag nalaman niyang buntis ako? Matutuwa kaya siya? O mas lalo niya lang kamumuhian ang batang dinadala ko dahil ako ang ina nito? Tahimik akong bumangon mula sa kama at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Habang umaagos ang tubig sa balat ko, mas lalo kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Hindi dahil sa pagod. Kundi dahil sa paraan ng pagtrato niya sa akin. Pagkatapos kong magbihis ng manipis na damit pantulog, dahan-dahan akong lumabas
Present Alexandra POV Naiiyak akong napaupo sa gilid ng bathtub habang mahigpit na hawak ang pregnancy test. Positive. Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko. Buntis ako. Anak ni Rhenan. Napapikit ako habang bumabalik sa isip ko ang lahat—mula sa unang beses na nasaktan ako dahil kay Rhenan hanggang sa kung paano kami nauwi sa ganitong sitwasyon. Mahal ko siya noon. Mahal ko pa rin hanggang ngayon. Pero natatakot ako. Natatakot akong baka kamuhian niya ang batang ito dahil ako ang ina. Lalo na’t alam kong hindi niya ako mahal. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang maalala ko ang bilin niya sa akin noon. Pinapainom niya ako ng pills para siguradong hindi ako mabubuntis. Pero hindi ko ginawa. Dahil sa kaibuturan ng puso ko… Ginusto kong magkaroon ng anak sa kanya. Bigla akong napapahid ng luha nang marinig ko ang malakas na katok mula sa labas ng banyo. “Ano bang ginagawa mo riyan? Ang tagal mo. Inaantok n
Flashback Alexandra POV “Bawal ka nang makipag-usap sa kanya.” Galit kong sabi habang kaming dalawa na lang ang naiwan sa parking lot. Nakatigil sa harap namin ang itim na van ng pamilya namin ngunit hindi pa kami sumasakay. Tahimik lang si Rhenan habang hawak ang mga gamit ko. “Miss Alexandra,” mahinahon niyang sabi, “hindi po puwede ‘yon. Personal life ko na po ang pinapakialaman niyo.” Lalo akong nainis sa sagot niya. Sanay akong sinusunod. Pero si Rhenan? Parang habang tumatagal, mas lalo siyang nagiging matapang sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya hanggang halos magdikit ang katawan namin. “Sino ba mas maganda?” diretsahan kong tanong. Bahagya siyang natigilan. “Ako o si Maui?” At bago pa siya makasagot, sinadya kong dumikit ang dibdib ko sa katawan niya. Kitang-kita ko agad ang pagkagulat sa mukha niya. Mabilis siyang napaatras habang namumula ang tenga niya. “Miss Alexandra…” nanginginig niyang sabi. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayo
Flashback Alexandra POV Grade 7 pa lang ako noon nang unang beses kong makita si Rhenan. Nasa garden kami ni Mommy habang nagme-merienda nang may dumating na mag-anak. Halatang mahirap sila dahil sa kupas nilang damit at sa mga bag nilang nakaplastic pa dahil may sira. Pero wala naman talaga akong pakialam sa kanila. Ang umagaw ng atensyon ko ay ang lalaking kasama nila. Matangkad siya, payat, at tingin ko ay mas matanda sa akin ng dalawang taon. Maitim ang balat niya dahil siguro sa bilad sa araw pero sobrang guwapo niya. Para siyang younger version ng actor na si Rico… ang pinagkaiba lang, singkit ang mga mata niya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang naranasan iyon. “Sila ba ang tinutukoy mo, Digna?” mataray na tanong ni Mommy habang umiinom ng tsaa. “Opo, Ma’am,” sagot ng mayordoma naming si Ate Digna. “Pinsan ko po si Ruben. Magaling po siya sa mga halaman. Puwede rin po siyang maging driver.” Kumumpas lang si M







