共有

Chapter 54

作者: Olivia Thrive
last update 公開日: 2026-06-13 00:57:09

Halos isang linggo nang iisa ang laman ng mga kuwento ni Oliver.

Si Sir.

Habang naghahapunan sila isang gabi, hindi na naman mapigilan ng bata ang sarili.

“Mommy, alam mo ba? Ang galing ni Sir mag-ayos ng bike.”

Ngumiti si Leila.

“Mabuti naman.”

“Tapos alam mo, muntik ko nang mailagay nang baligtad yung gulong pero tinulungan niya ako.”

“Mhm.”

“Tapos sabi niya hindi daw masama magkamali.”

“Mhm.”

“Tapos—”

Bigla siyang napahinto nang makita ang tingin ng kanyang ina.

Nakakunot-noo ito habang naka
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 54

    Halos isang linggo nang iisa ang laman ng mga kuwento ni Oliver.Si Sir.Habang naghahapunan sila isang gabi, hindi na naman mapigilan ng bata ang sarili.“Mommy, alam mo ba? Ang galing ni Sir mag-ayos ng bike.”Ngumiti si Leila.“Mabuti naman.”“Tapos alam mo, muntik ko nang mailagay nang baligtad yung gulong pero tinulungan niya ako.”“Mhm.”“Tapos sabi niya hindi daw masama magkamali.”“Mhm.”“Tapos—”Bigla siyang napahinto nang makita ang tingin ng kanyang ina.Nakakunot-noo ito habang nakasandal sa upuan.Napatawa si Oliver.“Mommy?”“Ano?”“Bakit parang galit ka?”“Hindi ako galit.”“Sige nga.”Napabuntong-hininga si Leila.Hindi naman talaga siya galit.Pero hindi niya maikakaila na nitong mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay may kahati na siya sa atensyon ng anak.Mula paggising hanggang bago matulog, si Dylan ang laman ng kuwento nito.Minsan nga ay napapaisip siya kung siya pa ba ang paboritong tao ni Oliver.“Ako ba o si Sir?” tanong niya.Natawa ang bata.“Ha?”“Ako ba o

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 53

    Pagkalabas ni Dylan sa bahay nina Oliver, tila mas mabigat pa ang katawan niya kaysa noong dumating siya roon.Mahina pa rin ang kanyang pakiramdam mula sa mga nagdaang araw. Kahit pinilit niyang magmukhang maayos sa harap ng bata, hindi niya maikakailang mabilis siyang hingalin. Nang makarating siya sa kanyang sasakyan, saglit muna siyang sumandal sa pinto bago tuluyang sumakay.Pumikit siya.Tahimik.Masyadong tahimik.Ngunit sa isip niya ay paulit-ulit na tumatakbo ang mga nangyari sa maghapon.Ang masayang mukha ni Oliver habang nagbibisikleta.Ang walang humpay nitong pagkukuwento.At ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag sa tuwing kasama niya ang bata.Hindi iyon simpleng awa.Hindi rin simpleng pagkagiliw.May kung anong malalim na koneksiyong tila kusang nabubuo kahit hindi niya maintindihan kung bakit.Napangiti siya nang maalala kung paano siya pinilit ni Oliver na sumabay sa karera ng bisikleta.“Sir, bilisan mo!”“Hindi naman karera ’to.”“Oo kaya!”Napailing

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 52

    Hindi dapat siya lumabas ng condo. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng katawan ni Dylan mula pa nang magising siya kinabukasan. Mabigat pa rin ang ulo niya. At hindi pa rin tuluyang nawawala ang mga imaheng gumugulo sa isip niya. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, nakikita niya si Leila. Minsan nakangiti. Minsan nakatingin lang sa kanya. Minsan napakalapit. Masyadong malapit. At sa tuwing mangyayari iyon, mas sumasakit ang ulo niya.In short, hindi sya ok. Kaya imbes na magpahinga, nagpasya siyang lumabas. Kailangan niyang mag-isip ng ibang bagay. Kailangan niyang ilayo ang isip niya sa mga tanong na wala siyang masagot. At doon niya naalala ang kanyang pangako kayOliver. Napabuntong-hininga siya. Sa lahat ng taong pwede niyang iwasan ngayon, ang bata lang yata ang kaya niyang harapin nang walang komplikasyon. At higit sa lahat... nangako siya. Hindi siya sanay mangako tapos hindi tutuparin. Kaya makalipas ang ilang oras ay nasa harap na siya ng address na ibin

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 51

    Hindi agad nawala sa isip ni Leila ang nangyari sa elevator.Hanggang pag-upo niya sa desk, hanggang pagbukas ng laptop, hanggang sa pag-type ng unang email—nandun pa rin yung bigat ng eksena na pilit niyang binabalewala pero ayaw talagang mawala.Yung kamay ni Dylan.Yung bigla niyang pagkapit.Yung paraan ng paghinga nito na parang may kinakalaban na hindi niya nakikita.At higit sa lahat…yung sandaling sumandal ito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero kahit simpleng alaala lang, may init na agad na sumusunod sa dibdib niya.“Okay ka lang ba, Leila?” tanong ng katabi niyang staff.“Ha? Oo, okay lang.”Ngumiti siya agad, automatic, professional.Pero hindi siya okay.Kasi hindi lang siya yung naapektuhan.Napansin niya si Dylan.Pagkalabas nila ng elevator, iba na agad.Hindi ito dumiretso sa usual routine.Hindi rin ito nag-stay sa meetings.Diretso itong pumasok sa office niya at isinara ang pinto.Walang paliwanag.Walang kahit anong utos.At iyon ang unang beses na nakita

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 50

    Pagkalabas ni Dylan sa elevator, hindi agad siya dumiretso sa opisina niya.Diretso lang ang lakad niya, pero parang hindi siya fully present sa katawan niya.Yung usual niyang composed na pagpasok sa office floor, wala.May mabigat sa ulo niya.At mas mabigat sa dibdib.“Sir, may 10AM meeting po kayo—”Hindi niya pinatapos yung si Leila.“Reschedule it,” mabilis niyang sabi, hindi tumitingin.“Po?”“Reschedule.”Then tuloy lang siya sa paglakad.Hindi niya maintindihan.Pero ramdam niya—something shifted.At ayaw niyang aminin kung ano yun.Pagpasok niya sa office, sinara niya agad yung pinto.Sandali lang.Pero enough para mawalan ng ingay sa labas.Tahimik.Too quiet.Parang doon mas lumakas yung nasa loob ng ulo niya.Umupo siya sa swivel chair.Pinikit ang mata.Pero imbes na kumalma…doon bumalik lahat.Yung elevator.Yung biglang pagdilim.Yung pagbagal ng oras.At higit sa lahat…yung boses niya.“Dylan…”Napadilat siya agad.Biglang bumigat ang hininga niya.Hindi dahil sa ta

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 49

    Mommy!”Hindi pa nga tuluyang nagigising si Leila nang salubungin siya ni Oliver sa kusina, sabik na sabik na parang may malaking announcement.“Ano ba, baby… ang aga-aga pa,” she said habang inaayos ang buhok niya.Pero hindi na siya pinatapos.“Si Sir!”Napahinto siya, hawak pa yung mug ng kape.“Si Sir na naman?”Tumango si Oliver, eyes full of excitement.“Sabi niya tuloy na tuloy na yung bike practice sa Saturday! Susunduin niya ako!”Napabuntong-hininga si Leila pero may konting ngiti na.“Talaga?”“Opo. Promise niya.”Ngumiti lang si Oliver na parang iyon na talaga yung pinakaimportanteng bagay sa buhay niya ngayon.Sanay na si Leila sa kwento nito about “Sir,” pero hindi niya ma-ignore yung level ng trust na binibigay ng anak niya.Pero isinantabi niya muna yun. May trabaho siya.Pagpasok niya sa office, medyo tahimik pa ang lobby. Maaga pa, konti lang ang tao, yung usual na slow start ng corporate building.Habang papunta siya sa elevator, nandoon si Dylan.Nakatayo lang sa g

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status