SENNANapansin ko agad na may nagbago sa security simula nang maging public ang engagement namin ni Lucien.Dati, dalawang security personnel lang ang madalas kong makita sa lobby ng penthouse building. Ngayon, may isa sa entrance, isa sa parking area, at minsan ay may sumusunod pang sasakyan kapag umaalis kami ni Ashley.Noong una, inisip kong normal lang iyon dahil masyado nang interesado ang media sa buhay namin. Pero nang mapansin kong pati pagpunta namin sa ospital ay may security na nakabantay sa labas, nagsimula na akong magtaka.Isang hapon, pag-uwi namin galing sa checkup ni Ashley, sinalubong kami ni Lucien sa sala.“Mommy, sa room ko po muna ako,” paalam ni Ashley habang hawak ang maliit niyang bag.“Sige, baby. Magpalit ka muna ng damit,” sagot ko habang hinahalikan siya sa noo.Masayang tumakbo si Ashley papunta sa hallway. Hinintay ni Lucien na mawala siya sa paningin bago ako nilapitan.“We need to talk,” sabi niya habang seryoso ang mukha.Napakunot agad ang noo ko.“A
続きを読む