Home / Romance / Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy / Chapter 036 — The Man Behind Mr. Grumpy

Share

Chapter 036 — The Man Behind Mr. Grumpy

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-09-22 20:20:13

SENNA

Tatlong araw pa lang kaming nakatira ni Ashley sa penthouse ni Lucien, pero parang mas matagal na.

Hindi dahil nahihirapan kaming mag-adjust sa lugar. Sa totoo lang, si Ashley yata ang pinaka mabilis naka-adjust sa aming tatlo. Ako ang hindi pa rin sanay na paggising ko sa umaga ay hindi na ang maliit naming apartment ang nakikita ko. Si Lucien naman, mukhang hindi pa rin sanay na may apat na taong gulang na batang malayang gumagala sa tahimik niyang bahay.

At si Ashley? Wala siyang pakia
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
🩷🩷🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 055 — Why Are You Avoiding Me?

    SENNAPagmulat ko kinabukasan, isang bagay agad ang malinaw sa akin.Ayokong makita si Lucien.Hindi dahil galit ako sa kanya. Hindi rin dahil pinagsisisihan kong nalaman naming siya ang ama ni Ashley.Ang problema, naalala ko na ang nangyari sa Aurelia limang taon na ang nakalipas.At mas nakakahiya dahil ako pala ang unang humalik sa kanya.“Mommy, gising na po,” sabi ni Ashley habang marahang tinatapik ang pisngi ko.Napadilat ako at nakita siyang nakatayo sa tabi ng kama, hawak ang stuffed bunny niya.“Good morning,” sabi ko habang pilit na ngumiti.“Breakfast po tayo kay Mr. Grumpy,” sabi niya habang itinuturo ang pinto. “Nandun na po siya.”Napapikit ako nang saglit. Of course. Penthouse niya ito.Hindi naman puwedeng ako ang magtago rito habang buhay.“Coming,” sagot ko habang bumabangon.Habang naghahanda ako, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong maging normal lang.Boss ko lang siya. Fake fiancé ko. Ama ng anak ko.At iyong lalaking hinalikan ko sa hotel room five years a

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 054 — That Night

    SENNAHindi ko alam kung paano ako nakabalik sa penthouse nang gabing iyon. Mula nang makita ko ang laboratory result, isang numero lang ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.99.99%.Si Lucien ang ama ni Ashley.Hindi na iyon hinala. Hindi na rin posibilidad na puwede kong takasan kapag masyado nang nakakatakot isipin. Nasa harapan ko na ang katotohanan.Mahimbing nang natutulog si Ashley nang mahiga ako sa tabi niya. Yakap niya ang stuffed bunny habang nakatalikod sa akin, walang ideya na ilang oras lang ang nakalipas ay nalaman kong ang lalaking tinatawag niyang Mr. Grumpy ang biological father niya.Marahan kong inayos ang buhok na nakatakip sa noo niya.“Anak…” bulong ko habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang mukha.Bahagya lang siyang gumalaw bago muling sumiksik sa unan.Pumikit ako, umaasang makakatulog din ako, pero imbes na antok ang dumating, may mga larawang biglang nagsimulang luminaw sa isip ko.Ang eighteenth floor ng Aurelia Grand Hotel.Isang keycard.Isang red l

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 053 — The Revelation

    SENNATatlong araw.Iyon lang ang sinabi ng laboratory na kailangan naming hintayin, pero pakiramdam ko iyon na ang pinakamahabang tatlong araw ng buhay ko.Sinubukan kong maging normal. Pumasok ako sa trabaho, inayos ang schedule ni Ashley, kinausap ang doctors niya, at ginawa ang lahat ng kailangan kong gawin bilang executive assistant ni Lucien. Pero sa tuwing may notification ang cellphone ko, automatic akong napapatingin.At mukhang hindi lang ako ang ganoon.Isang hapon, pagpasok ko sa private office ni Lucien, naabutan ko siyang nakatingin sa cellphone niya. Nang mapansin niya ako, agad niya iyong inilapag sa desk at hinila palapit ang isang folder.“Checking again?” tanong ko habang pumapasok sa loob.“No,” sagot niya habang kunwari ay abala sa folder.Napatingin ako sa screen ng phone niya. Malinaw namang bukas ang inbox.“Liar,” sabi ko habang pinipigilan ang ngiti.“I was checking something else,” depensa niya habang binubuksan ang folder.“Yeah, sure,” sagot ko habang umuu

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 052 — I Need the Truth

    SENNAKinabukasan, paggising ko, iyon agad ang unang pumasok sa isip ko.Paternity test.Mahimbing pa ang tulog ni Ashley sa tabi ko, yakap ang stuffed bunny niya habang halos kalahati ng mukha ay nakabaon sa unan. Ilang minuto ko lang siyang pinagmamasdan bago ko marahang inayos ang buhok na nakatakip sa noo niya.Buong buhay niya, ako ang gumagawa ng mga desisyong sa tingin ko ay pinakamabuti para sa kanya. Ako ang pumipili ng doctors, pumipirma sa medical forms, nagdedesisyon kung kailan siya kailangang magpahinga at kung ano ang kaya niyang harapin. Siguro kasama na rin doon ang desisyong alamin ang katotohanang matagal ko ring hindi kayang ibigay sa kanya.Hindi ko alam kung si Lucien nga ang biological father niya, pero sigurado ako sa isang bagay—hindi ko kayang manatiling walang sagot habang buhay.Kaya nang makarating kami sa office nang umagang iyon, ako mismo ang pumunta sa private office ni Lucien.Nasa likod siya ng desk at tahimik na nagbabasa sa laptop. Nang makita niya

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 051 — What If You Are?

    SENNA“No,” bulong ko habang napapailing.Hindi dahil sigurado akong mali si Lucien. Ang totoo, iyon mismo ang kinatatakutan ko—na baka tama siya.Ako ang kailangang pumayag sa paternity test dahil ako ang legal guardian ni Ashley. Hangga’t hindi napapatunayang ama niya si Lucien, wala itong authority na magdesisyon para sa anak ko, at biglang parang napakabigat ng simpleng salitang yes o no.“Senna—” panimula niya, pero agad akong umiling.“Hindi natin puwedeng sabihin na dahil ikaw ang may-ari ng room, ikaw na agad iyong lalaking kasama ko,” sabi ko habang mas bumibilis ang tibok ng puso ko. “At hindi rin dahil zero percent si Mavix, automatic na ikaw na ang tatay ni Ashley.”“I’m not saying that,” sagot ni Lucien habang nananatiling kalmado. “I’m saying there’s enough reason to find out.”Napahawak ako sa noo.“Pero parang ang bilis,” sabi ko. “Parang kahapon lang iniisip ko kung sino iyong lalaking nasa room. Ngayon ako na ang kailangang magdesisyon kung ipa-paternity test kita sa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 050 — Could It Be You?

    SENNAHindi ako agad nakasagot.Nakatayo lang ako sa harapan ni Lucien habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang request niya. Isang simpleng tanong lang iyon, pero pakiramdam ko ay napakalaki ng maaaring magbago depende sa magiging sagot ko.Paternity test.Kay Ashley.At si Lucien ang gustong i-test bilang posibleng ama.“With your approval, pwede bang ipa-paternity test natin si Ashley?” ulit ni Lucien habang hindi inaalis ang tingin sa akin.Napakurap ako bago tuluyang nakabawi.“Bakit?” tanong ko habang kusang humihigpit ang hawak ko sa gilid ng desk. “Bakit gusto mong gawin iyon?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“I think you already know why,” sagot niya habang mababa ang boses.“Hindi,” sabi ko agad habang umiiling. “Gusto kong marinig iyon mula sa’yo.”Hindi siya nagsalita, at mas lalo lang akong kinabahan.Nasa ibabaw pa rin ng desk ang lahat ng ebidensyang kanina pa namin pinag-uusapan—ang old hotel records, ang keycard activity ko, at ang paternity test ni Mavix na malin

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 003- She’s Not My Daughter

    SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 002- The Betrayal

    SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 001- A Mother’s Desperation

    SENNA“Mrs. Chavez, lumabas na ang resulta ng bone marrow biopsy niya. Confirmed, may leukemia ang anak mo at delikado iyon. Ire-refer namin siya sa ibang ospital dahil kulang kami sa gamit dito. Pero kailangan niyo munang i-settle ang bill bago kayo lumipat.”Nanlumo ako pagkatapos kong marinig iy

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 006- The Man Allergic to Children

    SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status