SENNANanatili si Lucien sa kusina kahit tapos na ang seryosong usapan namin tungkol kay Ashley.Akala ko babalik na siya sa office niya, pero nakasandal lang siya sa counter habang pinapanood akong magbalot ng natitirang saging.Hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Why do you keep calling me ‘sir’? You’re being too formal, you know?” tanong ni Lucien habang bahagyang nakakunot ang noo.Napalingon ako.“Ha?” tanong ko.“Sir, po,” ulit niya. “You still call me that even here.”“Eh ano ba dapat itawag ko sa’yo?” tanong ko habang natatawa. “Hubby? Daddy? Honey? Lovey?”Akala ko pagtatawanan lang niya ang sinabi ko.“I think hubby suits me well,” sagot ni Lucien na parang normal lang ang sinabi niya. “Ashley can call me Daddy too.”Napatingin ako sa kanya.“Grabe naman. Hubby na, Daddy pa?” tanong ko habang napapailing. “Joke lang naman ’yon.”“You were the one who suggested it,” sagot niya habang bahagyang nakataas ang kilay.“Example lang ’yon,” depensa ko habang ibinabalik ang atensyon
続きを読む