FAZER LOGINSENNAHindi ko agad nasagot ang tanong ni Lucien.Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak pa rin ang papel na may pangalan ng Aurelia Grand Hotel, pero ang tingin niya ay nakatutok na sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang naging mas personal ang simpleng tanong niya.“Why were you there five years ago?” tanong niya ulit habang mas mababa na ang boses. “And who were you with?”Napahigpit ang hawak ko sa pendant na nakasabit sa leeg ko.“Mavix,” sagot ko matapos ang ilang segundo. “At least… akala ko siya ang kasama ko.”Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien.“You thought?” tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.Napabuntong-hininga ako at bumalik sa sofa. Hindi ko gusto ang direksiyon ng usapan, pero alam kong hindi rin ako tatantanan ni Lucien hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na hinahanap niya.“Boyfriend ko si Mavix noon,” paliwanag ko habang pinaglalaruan ang pendant sa mga daliri ko. “Nag-away kami noong araw na iyon. I was upset, at ayoko ring um
SENNAIlang segundo akong nanatiling nakatayo matapos magsara ang pinto sa likod nina Cassandra at Ethan. Parang kasabay ng pagsara niyon ang biglang pagkawala ng lakas ko, kaya bumalik ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan habang nakapikit.Kanina lang, ang iniisip ko ay kung sino ang nagbayad kay Darren para imbestigahan ako. Ngayon, alam ko na ang sagot, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo lang bumigat ang dibdib ko.Sarili kong kapatid ang nagpasimulang maghukay sa buhay ko.Hindi niya iniutos kay Darren na i-blackmail ako at hindi rin niya sinabing takutin nito si Ashley. Alam ko ang pagkakaiba niyon, at tama si Lucien na hindi ko puwedeng ipasa kay Cassandra ang buong kasalanan sa krimeng sariling pinili ni Darren na gawin.Pero hindi ko rin kayang kalimutan na kung hindi dahil sa investigation na ipinagawa niya, hindi sana ilang araw na palihim na sinusundan at kinukuhanan ng litrato ang anak ko.“Are you okay?” tanong ni Lucien habang lumalapit sa sofa.Nap
SENNAWala pang isang oras nang dumating si Cassandra sa Ellington Biopharm.Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya kung bakit siya pinapunta roon, pero halata agad sa mukha niya ang iritasyon nang bumukas ang pinto ng office ni Lucien.“You called me here like it was an emergency,” sabi niya habang mabilis na pumapasok. “What happened?”Tahimik akong nakaupo sa sofa.Nang makita niya ako, agad na nagbago ang expression niya.“Ate?” tawag niya habang napapakunot ang noo. “What are you doing here?”Hindi ako sumagot.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang hindi sumasabog ang galit na kanina ko pa pinipigilan.Si Lucien ang unang nagsalita.“Did you hire a private investigator to investigate Senna?” tanong niya habang nakatayo sa likod ng desk.Nanigas si Cassandra.Isang segundo. Dalawa. Sapat na iyon para malaman kong totoo.Kahit nakita ko na ang transaction record, parang may maliit na bahagi pa rin sa akin na umaasang may ibang explanation.Wala pala.“Cassandra,” taw
SENNAHindi ako mapakali habang hinihintay namin ang balita mula kay Ethan.Simula nang malaman naming may nagbayad kay Darren Quinto para imbestigahan kami ni Ashley, parang mas lalo lang dumami ang tanong sa isip ko. Kanina, malinaw sa akin na pera lang ang habol ng lalaking nagpadala ng blackmail letter. Ngayon, hindi ko na alam kung saan talaga nagsimula ang lahat.Nasa sofa ako sa office ni Lucien habang hawak ang cellphone ko. Ilang beses ko nang chineck ang message ni Aling Rosa kahit wala pang limang minuto mula nang sabihin niyang maayos naman si Ashley at nasa penthouse kasama ang dalawang security personnel.Si Lucien naman ay nasa likod ng desk niya. Tahimik lang siya habang may tinitingnan sa laptop, pero alam kong galit siya. Kita iyon sa matigas niyang panga at sa paraan ng paghawak niya sa pen na para bang iyon ang may kasalanan sa lahat.“Stop checking your phone every thirty seconds,” sabi ni Lucien habang hindi inaalis ang tingin sa laptop. “Ashley is safe.”Napatin
SENNAHindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.Iyong aksidenteng halik namin ni Lucien, iyong paglapit niya para tanggalin ang maliit na wrapper sa gilid ng labi ko, at iyong biglang pagbabago ng expression niya nang makita ang pendant na bigay sa akin ni Mama. Idagdag pa roon ang lalaking ilang beses nang palihim na kumukuha ng litrato ni Ashley.Argh. Mababaliw na ata ako sa dami ng iniisip ko.Napahawak ako sa sentido habang nakaupo sa maliit na worktable sa loob ng office ni Lucien. Ilang minuto ko nang binabasa ang parehong paragraph sa document na nasa harapan ko, pero wala ni isang salita ang pumapasok sa utak ko.Ilang araw na mula nang malaman kong may taong palihim na kumukuha ng litrato ni Ashley, pero hindi pa rin ako mapakali. Ang mas hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon na lang kaseryoso si Lucien tungkol doon.Hindi lang siya basta nagdagdag ng security. Halos lahat ng galaw namin ni Ashley ay gusto niyang alam ng security team ni
SENNAParang saka lang bumalik ang isip ko nang maramdaman kong nakadagan pa rin sa akin si Lucien.Mabilis ko siyang itinulak sa dibdib. Hindi ko alam kung gaano talaga katagal na magkadikit ang mga labi namin, pero sa pakiramdam ko, parang limang minuto akong nakahiga roon habang tuluyang nakakalimutan kung paano huminga.“A-ahh… tatapusin ko muna ’yong niluluto ko,” sabi ko habang mabilis na bumabangon at pinagpapagan ang damit ko. Pilit kong hindi siya tinitingnan dahil alam kong namumula na ang mukha ko. “Ako na lang magbabalot. Kaya ko naman na itong gawin mag-isa. Tawagin na lang kita kapag tapos na.”Tumayo rin si Lucien at inayos ang damit niya. Hindi rin niya ako agad tiningnan, na para bang pareho kaming biglang naging interesado sa kung ano mang nasa paligid maliban sa isa’t isa.“O-okay. I’ll be in my office,” sagot niya bago bahagyang tumango.Tahimik siyang umalis ng kusina. Nang mawala siya sa paningin ko, saka ako napahawak sa dibdib ko.Ano ba ’yon?Mabilis pa rin ang
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m







