تسجيل الدخولSENNAHindi agad gumalaw si Lucien habang hawak ko ang cellphone ko.Parang hinihintay lang niya kung ano pa ang susunod kong sasabihin, pero ramdam kong mas naging alerto siya nang banggitin ko ang tungkol sa paternity test. Bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Paternity test?” tanong niya.Tumango ako at binuksan ang lumang laboratory result na ilang taon ko nang nakatago sa email ko.“Ginawa namin iyon kay Mavix,” sagot ko habang hinahanap ang PDF. “Hindi ko na sana gustong balikan ’to, pero sa tingin ko, kailangan mo na itong makita.”Lumapit siya nang kaunti.Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumigat ang cellphone sa kamay ko. Matagal ko nang alam ang katotohanang nakasulat sa file na iyon, pero ngayon lang ako natakot nang ganito sa maaaring ibig sabihin nito.Binuksan ko ang PDF at inilapit ang screen sa kanya.“Here,” sabi ko habang itinuturo ang result.Tahimik niyang kinuha ang cellphone mula sa kamay ko.Hindi ko inalis ang tingin sa mukha niya h
SENNAHindi ko maalis ang tingin sa papel na nasa harapan ko.LUCIEN ELLINGTON — ROOM 1816.Ilang segundo akong nakatitig lang sa room number na iyon habang pilit inuunawa ang ibig sabihin nito. Room 1816, ang kuwartong tatlong beses kong sinubukang buksan gamit ang keycard ko noong gabing iyon.At ngayon, malinaw na nakasulat sa hotel record na hindi iyon nakapangalan kay Mavix.Kay Lucien iyon.“Hindi puwede…” bulong ko habang hindi pa rin maalis ang tingin sa papel. “Baka may mali lang sa record.”Hindi agad sumagot si Lucien. Tahimik lang siyang nakatayo sa kabilang side ng desk habang pinapanood akong pilit iproseso ang impormasyong nasa harapan ko.“I checked it more than once,” sabi niya habang mababa ang boses. “The suite was registered under my name.”Napailing ako habang napapahawak sa noo.“Pero akala ko…” panimula ko bago muling tumingin sa kanya. “Akala ko room ni Mavix iyong pinuntahan ko.”“That’s what you assumed,” sagot ni Lucien habang nananatiling kalmado. “But ther
SENNAHalos wala akong natapos na trabaho kinabukasan.Kahit anong pilit kong mag-focus sa mga documents sa harapan ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang usapan namin ni Lucien tungkol sa gabing iyon sa Aurelia Grand Hotel. Limang taon kong inakalang alam ko kung ano ang nangyari, pero sa loob lang ng isang gabi, parang biglang nagkaroon ng mga butas ang lahat ng pinaniwalaan ko.Ang date, ang hotel, ang pendant ko, at ang babaeng naaalala ni Lucien na pumasok sa room niya—lahat iyon ay paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Napahilot ako sa sentido habang pilit na ibinabalik ang atensyon sa trabaho.Hindi ibig sabihin na ako iyon, Senna.Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko mula kagabi. Pero kahit ilang beses ko iyong ulitin, hindi pa rin nawawala ang isang tanong sa isip ko.Kung hindi ako ang babaeng naaalala niya, bakit napakaraming bagay ang nagtutugma?Mabilis akong napatingala nang bumukas ang pinto ng office ni Lucien. Akala ko may empleyadong papasok, pero siya mismo ang
SENNAHindi ko agad nasagot ang tanong ni Lucien.Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak pa rin ang papel na may pangalan ng Aurelia Grand Hotel, pero ang tingin niya ay nakatutok na sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang naging mas personal ang simpleng tanong niya.“Why were you there five years ago?” tanong niya ulit habang mas mababa na ang boses. “And who were you with?”Napahigpit ang hawak ko sa pendant na nakasabit sa leeg ko.“Mavix,” sagot ko matapos ang ilang segundo. “At least… akala ko siya ang kasama ko.”Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien.“You thought?” tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.Napabuntong-hininga ako at bumalik sa sofa. Hindi ko gusto ang direksiyon ng usapan, pero alam kong hindi rin ako tatantanan ni Lucien hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na hinahanap niya.“Boyfriend ko si Mavix noon,” paliwanag ko habang pinaglalaruan ang pendant sa mga daliri ko. “Nag-away kami noong araw na iyon. I was upset, at ayoko ring um
SENNAIlang segundo akong nanatiling nakatayo matapos magsara ang pinto sa likod nina Cassandra at Ethan. Parang kasabay ng pagsara niyon ang biglang pagkawala ng lakas ko, kaya bumalik ako sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan habang nakapikit.Kanina lang, ang iniisip ko ay kung sino ang nagbayad kay Darren para imbestigahan ako. Ngayon, alam ko na ang sagot, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo lang bumigat ang dibdib ko.Sarili kong kapatid ang nagpasimulang maghukay sa buhay ko.Hindi niya iniutos kay Darren na i-blackmail ako at hindi rin niya sinabing takutin nito si Ashley. Alam ko ang pagkakaiba niyon, at tama si Lucien na hindi ko puwedeng ipasa kay Cassandra ang buong kasalanan sa krimeng sariling pinili ni Darren na gawin.Pero hindi ko rin kayang kalimutan na kung hindi dahil sa investigation na ipinagawa niya, hindi sana ilang araw na palihim na sinusundan at kinukuhanan ng litrato ang anak ko.“Are you okay?” tanong ni Lucien habang lumalapit sa sofa.Nap
SENNAWala pang isang oras nang dumating si Cassandra sa Ellington Biopharm.Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya kung bakit siya pinapunta roon, pero halata agad sa mukha niya ang iritasyon nang bumukas ang pinto ng office ni Lucien.“You called me here like it was an emergency,” sabi niya habang mabilis na pumapasok. “What happened?”Tahimik akong nakaupo sa sofa.Nang makita niya ako, agad na nagbago ang expression niya.“Ate?” tawag niya habang napapakunot ang noo. “What are you doing here?”Hindi ako sumagot.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang hindi sumasabog ang galit na kanina ko pa pinipigilan.Si Lucien ang unang nagsalita.“Did you hire a private investigator to investigate Senna?” tanong niya habang nakatayo sa likod ng desk.Nanigas si Cassandra.Isang segundo. Dalawa. Sapat na iyon para malaman kong totoo.Kahit nakita ko na ang transaction record, parang may maliit na bahagi pa rin sa akin na umaasang may ibang explanation.Wala pala.“Cassandra,” taw
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m







