ANMELDENCloud SerravalleMatapos kong pakalmahin ang aking sarili ay napagdesisyunan na rin naming umuwi na muna nina Seren at Cyrus sa bahay na kanilang tinutuluyan. Gusto ko na nga sanang kausapin si Seren na nais ko na silang ilipat ng bahay ngunit nakuha ko pa rin ang pagkakataon para mapag-usapan namin ito nang masinsinan.“Papa, sa house ka po uli mag-sleep? Parang family uli tayo?” malawak ang ngiting tanong ng anak naming nakaupo sa likod ng aming sinasakyan.“Yes, buddy. Papa will stay here beside you,” masiglang tugon ko naman sa kanya.Nilingon ko rin si Seren na nasa passenger seat ko ngayon at magaang ginawaran ko ng halik ang kanyang kamay na aking hawak.“How about you, may gusto ka bang kainin? Tell me what you want and we will buy that,” tanong ko pa sa kanya.Saglit naman itong natahimik at nag-isip at pagkatapos ay muling lumingon sa akin.“Gusto ko ng puto, yung may itlog na maalat sa taas,” nahihiyang sabi pa niya.Dahil bago ito sa aking pandinig ay bahagya pang nangunot
Cloud Serravalle“A-anong sabi mo?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya matapos marinig ang kanyang sinabi.“She drugged me five years ago, like what she did to you if you say that you can’t remember anything that happened last night,” mabagal na pahayag niya sa akin.“That night when you caught me naked with Arthur. That is also the night that she drugged me,” panimulang paliwanag pa niya sa akin habang ang mga luha ay hindi na mapigil pa sa paglandas sa kanyang mukha.Tila nanghina naman ang buong katawan ko dahil sa kanyang sinabi lalo na nang maalala ko ang naging tagpo namin ng gabing iyon.***Five years ago“Where is she?” madiin at galit na wika ko kay Sienna habang nasa loob kami ng aking sasakyan.“Sandra said she saw her near Home Run Resto Bar. Pero hindi ko sure kung nandun pa rin sila,” paliwanag pa niya sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak sa gilid ng aking sasakyan dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo.Halos labinlimang minuto rin ang itinagal ng aming
Seren Evangeline Del Valle“Ano bang pinagsasabi mo, Cloud? Why do you keep on saying sorry? May problema ba?” nalilitong tanong ko kay Cloud habang pilit siyang inilalayo mula sa pagkakayakap sa akin.“I’m so sorry… I’m really sorry, Mahal. Believe me, ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang talaga, wala nang iba,” paulit-ulit na wika ni Cloud sa akin kaya wala na rin akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya pabalik hanggang sa tuluyan na siyang kumalma.Iniwan din namin pansamantala si Cyrus at Ela kasama ang isang staff ni Mika bago kami nagtungo sa opisina ng kaibigan ko para tuluyan na rin kaming makapag-usap.“Are you okay now?” mahinahong tanong ko kay Cloud pagkatapos ko siyang abutan ng isang basong tubig.“Nah…” umiiling na sagot naman niya sa akin bago niya ako inalalayang maupo sa kanyang tabi.“Seren, you believe me that I love you, right?” puno ng pagsusumamo na tanong niya sa akin na walang pag-aalinlangan ko namang sinagot ng pagtango. Dahil kahit naman magulo pa sa ngayon
Cloud SerravallePakiramdam ko ay parang binibiyak ang aking ulo dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Sinubukan kong ikilos ang aking katawan ngunit mas lumalala pa rin ang sakit na aking nararamdaman kung kaya minabuti ko na lang din na panatilihing nakapikit muna ang aking mga mata ng ilan pang sandali.Ngunit ang pagninilay-nilay ko sa mga nangyari sa akin kagabi ay kaagad na nahinto nang maramdaman ko ang pagyakap ng isang kamay sa aking katawan na dahilan ng agad kong pagmulat ng mata.Sa aking pagmulat ay kaagad na tumambad sa akin ang pamilyar na ayos ng aking silid kung kaya mabilis kong nilingon kung sino ang nakayakap sa akin. Dahil sigurado akong hindi si Seren ang taong ito dahil kahit kailan ay hindi pa naman siya nakakapunta sa bagong condo na tinutuluyan ko ngayon.Dahil sa nakatabing na mahabang buhok ng babaeng aking kayakap kung kaya’t hindi ko kaagad nakilala kung sino ito.Walang pag-aalinlangan ko namang tinanggal ang pagkakayakap ng babaeng nasa aking tabi
Cloud SerravalleI stayed the whole weekend sa lugar ni Seren. Wala ring pagsidlan ang saya sa mukha ni Cyrus kaya naman mas lalo kong hindi ginustong umuwi, kahit pa wala nang tigil ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa pagtawag ni Sienna at ng mga magulang ko.“Papa, play tayo ng Lego,” napukaw ang aking atensyon mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ng aking anak habang bitbit ang hindi kalakihan nitong Lego set box.Mula sa pagkakaupo sa sofa ay lumipat naman ako sa sahig at saka siya pinaupo sa aking kandungan bago binuksan ang laruang nais niyang laruin.“Do you like playing Legos, buddy?” mahinahong tanong ko sa bata.Kahit ilang linggo ko na rin kasi siyang kilala mula nang makita ko siya sa coffee shop, kahit noong wala pa akong alam sa tunay niyang pagkatao ay pakiramdam ko marami pa rin akong kailangang malaman tungkol sa kanya.“Opo, saka po mag-draw po. Saka po mag-play ng ball sa labas po. Marami gusto si Cyrus po eh,” tugon naman nito habang sinisimulan
Seren Evangeline Del Valle “Y-yes… yes Cloud… Cyrus is your son.” Pumipiyok kong sabi kay Cloud na ngayon ay tulalang nakatitig sa akin.Tila para namang naguguluhan si Cyrus na nakamasid lang sa aming dalawa, at nang mapansin ito ni Austin ay kaagad niya namang kinuha ang bata.“I will take him out for a while. I think you need alone time to talk,” ani pa nito bago tuluyang kinarga ang bata at tuluyan kaming iniwan.“W-what did you say?” nalilitong tanong muli ni Cloud sa akin at walang lakas na napaupo muli sa kanyang upuan.“Cyrus is yours. Buntis ako nang umalis ako noon, five years ago,” mahinang sabi ko pa sa kanya ngunit sinigurado kong dinig pa rin niya.“Why didn’t you tell me?” may bahid ng hinanakit na tanong muli niya sa akin bago wala sa sariling napahilamos ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.“It was too late. Nasa US na kami nang malaman kong buntis ako. At isa pa, you hate my family so much that I don’t have enough courage to face you again just to tell you ab
Seren Evangeline Del ValleAlas-siyete pa lamang ng gabi ay nag-iimpake na ako. Mabigat man sa aking loob pero nang maisip ko ang sinabi ni Mika na mas mabuti pa ngang pumunta ako sa party ni Austin kaysa naman ang lalaki pa ang pumunta rito ay agad ko ring tinanggap ang imbitasyon niya. Mas nangib
Seren Evangeline Del Valle"O, friend, problema mo? Para kang inahing manok na hindi mapaitlog diyan," puna ni Mika nang makailang ulit akong nag paroo’t parito sa kanyang harapan.Mika is my college friend. Pero hindi gaya ko na nagmula sa maykayang pamilya noon, Mika is the opposite of it. She ca
Cloud SerravalleHalos magkadugtong na ang aking mga kilay dahil sa dami ng trabahong nakatambak ngayon sa aking mesa. Hindi ko na rin alam kung alin ba ang aking uunahin dahil sa magkakahalong mga dokumento na ngayon ay nasa aking harapan na mas lalo pang nagpainit sa aking ulo.Dalawang linggo na
Seren Evangeline Del ValleIsang linggo na rin mula nang bumalik ako sa Pilipinas kasama ang anak ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho kaya naman napaisip ako kung tama bang desisyon ang ginawa ko.Mula sa kusina ay muli naman akong pumunta sa sala matapos kong







