CHAPTER 75Nang makarating si Myca sa mansyon ng mga magulang ni Athena ay agad naman siyang pinapasok ng kasambahay ng mga ito at saglit pa niyang hinintay ang ina ng kanyang kaibigan.“Myca, hija napadalaw ka. Wala rito ang kaibigan mong si Athena at kung tatanungin mo ako kung nasaan siya ay hindi ko rin ikaw masasagot dah hindi ko rin talaga alam kung nasaan ba siya ngayon,” agad naman na sabi ni Antonette kay Myca. Kilala naman kasi niya ang dalaga at isa ito sa matitinong kaibigan ni Athena.Agad naman na lumapit si Myca kay Antonette at saka siya nakipagbeso rito.“Ahm… tita, kayo po talaga ang sadya ko ngayon at hindi po si Athena,” sagot naman ni Myca rito.“Bakit hija? May kailangan ka ba sa akin?” hindi na napigilan na tanong ni Antonette sa dalaga.“A-Actually tita kaya po ako narito dahil po… p-pinapabigay po ni Athena ang sulat na ito sa inyo,” nauutal pa na sabi ni Myca.“Sulat? Sulat para saan?” kunot noo pa na tanong ni Antonette sa dalaga. “Nasaan ba kasi sya? Tsk.
Baca selengkapnya