CHAPTER 84Sa kabilang banda naman. Makalipas ang halos isang linggo matapos na umalis ni Athena ay hanggang ngayon nga ay hindi pa rin pumapasok si Lucas sa kanyang kumpanya. Namomroblema na nga ang sekretarya nito dahil tambak na talaga ang trabaho nito lalo na ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan.“Good morning, Janice. Nariyan ba si Lucas?” tanong ni Timothy na kararating lamang sa opisina ng kanyang kaibigan.“Good morning din po sir Timothy. Ahm… wala pa rin po si sir Lucas,” magalang naman na sagot ni Janice rito.“Himala ata na late siya pumasok ngayon. Hindi naman ugali ng isa na yun ang ma-late sa trababo,” sagot ni Timothy.“Ahm… a-ang totoo po nyan sir Timothy ay halos mag iisang linggo na po na hindi pumapasok si sir Lucas. Tambak na nga po ang trabaho nya at hindi ko na po alam kung paano ko po ito mapapapirmahan sa kanya,” sagot naman ni Janice na problemado na sa mga papeles na nakabinbin sa opisina ni Lucas.“What do you mean?” kunot noo naman na tanong ni Tim
Read more