LILYMATALIM akong napatingin kay Jessica."Huwag mong sabihin iyan.""Pero iyon naman ang totoo, Lily. Hindi naman kita gustong saktan, pero ilang beses na nating pinag-usapan ito. Alam mong mahal niya si Sofia at alam mo ring hindi ka niya kailanman niligawan o binigyan ng dahilan para isipin mong gusto ka niyang pakasalan. Kung patuloy mong hahabulin ang isang taong malinaw na iba ang mahal, baka sa huli ikaw rin ang masaktan.""Hindi ako titigil.""Baliw ka talaga.”"Hindi ako titigil dahil lang sinabi mong hindi niya ako mahal. Kung ganoon kadali para sa akin na sumuko, matagal ko na sanang ginawa iyon. Hindi ko naman sinasabing kaya kong pilitin si Andrew na mahalin ako, pero kaya kong gumawa ng paraan para mapalapit ulit sa kanya at ipakita sa kanya kung ano ang mayroon kami na hindi niya makukuha kay Sofia."Napailing si Jessica."Lily, parang hindi mo na naiisip kung tama pa ba ang ginagawa mo. Noong una, sabi mo gusto mo lang mapalayo si Sofia kay Andrew, pero ngayon parang
Leer más