SOFIA Pagdating ko sa executive floor ay dumiretso ako sa office ni Andrew. Kumatok muna ako bago pumasok at nakita ko siyang nakaupo sa likod ng desk habang may binabasang dokumento. Nang maiangat niya ang tingin at makita ako ay agad siyang napangiti na para bang kanina pa niya hinihintay na dumating ako. "Akala ko hindi ka pupunta," sabi niya habang inilapag ang hawak niyang dokumento. "Pinapunta mo ako rito, hindi ba? Kaya pumunta ako. Pero sasabihin ko na sa iyo ngayon pa lang, kung ang dahilan lang nito ay iyong message mong pa-kiss, dapat sinabi mo agad dahil hindi naman ako basta-basta pupunta rito para sundin ang mga kalokohan mo. Nasa trabaho tayo, Andrew, at hindi ko alam kung bakit parang wala kang pakialam sa posibilidad na may biglang pumasok dito." Ngumiti siya bago sumandal sa upuan. "Pero pumunta ka pa rin. Puwede ka namang hindi pumunta kung ayaw mo. Hindi naman kita pinilit na sundin ang message ko. Alam kong nasa trabaho tayo at alam kong kailangan nating mag-
Leer más