ANDREWDalawang linggo ang lumipas at dumating na rin ang araw ng kasal namin ni Sofia. Maaga pa lang ay abala na ang lahat sa venue dahil may mga taong nag-aayos ng mga bulaklak, pagkain at iba pang kailangan para sa reception. Habang ang mga bisita naman ay unti-unti nang dumarating. Nasa preparation room ako kasama sina Daddy Denzel, mommy Eve at ilang malalapit na kaibigan habang inaayos ko ang suot kong suit, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasang paulit-ulit na tingnan ang oras dahil gusto ko nang makita si Sofia."Anak, ilang beses mo nang tinitingnan ang oras. Hindi naman tatakbo ang kasal at hindi rin naman mawawala si Sofia dahil ilang minuto ka lang maghihintay.""Alam ko naman, Dad, pero kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung normal ba iyon dahil ako naman ang lalaki at dapat ako iyong kalmado, pero simula paggising ko kanina parang hindi ako mapakali dahil iniisip ko kung okay lang ba siya at kung gaano siya kinakabahan ngayon.""Normal lang iyan. Ikakasal ka
Leer más