ANDREWHindi ako agad nakasagot sa tanong ni Lily. Nakatingin lang siya sa akin habang nangingilid ang mga luha sa mga mata niya, at kahit alam kong darating ang araw na kailangan naming pag-usapan ito nang maayos, hindi ko inakalang aabot sa puntong kailangan kong harapin siya habang ganito siya kasakit."Lily, hindi naman ito tungkol sa kung sino ang mas matagal kong kasama. Hindi porke mas matagal kitang kilala at mas maraming taon tayong magkasama ay ibig sabihin ikaw na ang taong mamahalin ko. Magkaibigan tayo at naging bahagi ka ng buhay ko ng matagal, pero hindi ko kailanman naramdaman na gusto kitang maging girlfriend o asawa.""Pero bakit hindi? Ano ba ang kulang sa akin? Kilala mo ako, kilala mo ang pamilya ko at alam mong kaya kitang suportahan. Hindi naman ako estranghero sa buhay mo at alam mong matagal nang gusto ng mga magulang natin na maging malapit tayo sa isa't isa, kaya bakit parang wala man lang halaga sa iyo ang lahat ng iyon?""Lily, hindi ko kailanman sinabi sa
Leer más