ANDREA“Wala, Ma'am. Iniisip ko lang kung gaano katagal bago ka mapagod at matawag ako para sunduin ka nang mas maaga,” sagot niya. “Pero seryoso, mag-ingat ka at huwag mong kalimutang kumain. Kapag natapos ka na, tawagan mo lang ako at pupunta ako agad.”Inirapan ko siya. Ano ba itong lalaking ito? Hindi ko alam kung chismosa o concern lang talaga.“Hindi mo kailangang bantayan ang pagkain ko. May mga tao rito na bahala sa akin, at saka hindi ako bata.”“Alam ko naman. Pero kapag nagutom ka at naging masungit ka sa lahat ng tao rito, baka isipin nilang ganoon talaga ang Executive Director nila.”“Renjie, umalis ka na nga.”“Okay lo, Ma'am. Mamaya ulit,” aniya sabay kindat.Pumasok na ako kasama si Myla at hindi ko na siya pinansin. Pagdating namin sa function hall ay agad akong sinalubong ng ilang executives at business partners, kaya kinailangan kong ayusin ang kilos at pananalita ko habang nakikipagkamay at nagpapakilala sa mga taong hindi ko pa nakikilala noon.Makalipas ang ilang
Ler mais