ログインIsang marangyang itim na convoy ang huminto sa harap ng isang exclusive at ultra-high-end luxury condo building sa BGC. Dito ipinabili ng Lolo niya ang isang penthouse unit para kay Elowen anim na buwan na ang nakakalipas. Pinili ito dahil sa higpit ng security at privacy, bagay na kailangang-kailangan ng mag-ina, lalo na't naiwan sa France ang pinagkakatiwalaan nilang yaya dahil sa problema sa visa.Tinulungan ng Tito niya na ibaba ang mga gamit nila. Tiningala nito ang matayog na building at napabuntong-hininga."Elowen, sigurado ka bang gusto mong tumira rito? Kayo lang dalawa ng anak mo? Hindi ako mapapanatag! Napakalaki ng mansyon natin sa Forbes!" pamimilit ng Tito niya.Ngumiti nang tipid si Elowen. "Tito, okay lang po kami. Nasanay na rin po akong mag-isa sa France. Saka si Lolo naman po ang pumili nito para sa akin, gusto ko rin yung tahimik at malayo sa maraming mata."Naalala ng Tito niya kung bakit dito pinatira si Elowen ng Lolo nito noon. Galit pa ang matanda no'n, hindi
Isang mainit na patak ng luha ang kumawala mula sa mga mata ni Elowen saka dahan-dahang gumuhit pababa sa kanyang pisngi. Kahit limang taon na ang nakalipas, ang mismong simoy ng hangin sa Pilipinas ay sapat na para ibalik ang lahat ng sakit, pait at pighating naramdaman niya noon. "Mommy..."Isang maliit at malambot na kamay ang dumampi sa kanyang mukha. Pinunasan ni Elara ang luha niya gamit ang maliliit nitong daliri saka mabilis na yumakap ang bata sa leeg niya."Mommy, don't cry po! May masakit ba sa'yo? Tell Elara where it hurts, I'll blow on it para it will go away na..." inosente at puno ng pag-aalalang sabi ng bata.Kinagat ni Elowen ang ibabang labi niya, pilit na pinipigilan ang panibagong alon ng luhang kumakawala sa mga mata niya. Niyakap niya na lamang ng mahigpit ang anak at isinisubsob ang mukha sa kanyang balikat."Hindi umiiyak si Mommy, baby..." bulong ni Elowen. "Napuwing lang ako. Ang dami kasing alikabok dito sa airport. I'm okay, hmm? Thank you for being so swe
"Logan, salamat talalaga. Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin nitong mga nakaraang buwan."Bakas ang matinding pagod at pamumutla sa mukha ni Elowen, pero pinilit niya pa ring ngumiti. Ang suot niyang oversized sweater ay sapat na para itago ang bahagyang pag-umbok ng kanyang tiyan.Kumunot ang noo ni Logan habang ang mga mata'y puno ng pag-aalala. "Elowen, sigurado ka na ba talaga rito? Maselan ang pagbubuntis mo. Kaya mo ba talagang bumiyahe nang ganyan kahaba? Hindi ba pwedeng, hintayin mo na lang munang manganak ka bago ka umalis?"Umiling si Elowen habang nakatingin sa labas ng salamin ng airport. "Maaga man o huli, kailangan ko pa ring umalis, Logan. Wala na akong babalikan dito. Mas mabuti nang magsimula ako ng bagong buhay sa lugar na walang nakakakilala sa akin."Napabuntong-hininga si Logan. Gusto niyang pigilan ang dalaga, gusto niyang sabihing wag na lang itong tumuloy at hayaan siyang siya ang mag-alaga rito."Elowen..." Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. “Ngayon o hi
Pero bago pa makaganti si River, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Mitena."Tumahimik ka!" sigaw ni Art habang nandidiring tiningnan ang asawa. "Kung gusto mo pang may mukhang maihaharap si Raynold sa pamilyang 'to, itikom mo 'yang marumi mong bibig!"Napahawak si Mitena sa pisngi nito, luhaan at hindi makapaniwala. "Art, pati ba naman ikaw? Ako ang asawa mo! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin nung iniuwi mo ang bastardong anak niyo ng babaeng 'yon?!""Asawa?" putol ni River. Isang nakakamatay na ngisi ang gumuhit sa labi niya. "Wag kang ilusyunada, Madam. Hanggang sa huling hininga ng nanay kong si Lisa, siya ang kaisa-isang legal na asawa ni Papa."Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mitena."Kabit ka lang na sumira sa pamilya namin," walang awang dugtong ni River. "At kung titingnan mo ang marriage certificate ni Papa, ang nakalagay na status niya ay Widowed, hindi Divorced. Hindi kayo kasal. Kailanman ay hindi ka kinilala bilang asawa o bahagi ng pamilyang Sam
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Beatrice. Napahawak siya nang mahigpit sa saklay niya.Agad na sumingit si Mitena, sinusubukang isalba ang sitwasyon nila. "River, nababaliw ka na ba?! Kapatid mo si Beatrice! Siya ang nagbuwis ng buhay para sayo nung mga bata pa kayo! Kung hindi dahil sa kanya, patay ka na ngayon!"Humarap si River kay Mitena, "Ang galing mo talagang umarte, Mitena! Sana pala nag-artista ka na lang kaysa sumiksik sa pamilyang 'to! Ilang taon! How many fucking years niyo akong ginawang gago at tanga!""River, sumusobra ka na!" akmang susuntukin ni Art ang anak pero napatigil ito nang magsalita ulit si River."Dad, pakinggan mo ako!" sigaw niya pabalik sa ama. "Yang asawa mo? Yang babaeng pinoprotektahan mo? Siya lang naman ang nagbayad ng mga sindikato para ipa-kidnap at ipapatay ako noon!"Isang malakas na singhap ang kumawala kay Hope. Maging si Art ay natigilan at halos hindi makapaniwala sa narinig. Napatingin ito sa asawang nanginginig at halos hindi makahing
Madilim ang kalangitan at unti-unting bumabagsak ang malalaking patak ng ulan sa kalsada. Sa tapat ng isang high-end private hospital, nakaparada ang isang lumang Grab taxi. Sa loob nito, nakaupo si Elowen. Balot na balot siya ng isang itim na oversized hoodie habang ang mukha ay halos matakpan ng itim na mask at bonnet.Kung tititigan nang malapitan, makikita ang mga sariwang sugat sa kanyang panga at leeg, mga bakas ng pagkakabagsak niya sa dagat. Kumikirot ito dahil sa lamig ng ulan, pero mas nangingibabaw ang sakit sa dibdib niya.Sa labas ng ospital, isang pamilyar na bulto ng lalaki ang lumabas. Si River, kasunod nito ang matandang janitor ng ospital. "Sir River, hindi ko po matatanggap 'to. Sobrang laki po nito," umiiyak na pakiusap ni Juan habang pilit na ibinabalik ang isang makapal na brown envelope kay River.Umiling si River, bakas ang matinding bigat at pagsisisi sa kanyang mga mata. "Kunin mo na iyan, Manong. Kulang pa yan sa lahat ng sinabi mong nagpamulat sa mga mata
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







