Pag-uwi ni River sa villa, wala siyang nadatnang Elowen. Naka-off din ang cellphone nito. At dahil sa sobrang inis at frustration, tinawagan niya ang kaibigang si Hans.Dahil paboritong pampalipas oras ni Hans ang makitang nagdurusa ang mga kaibigan niya sa love life, agad nitong kinaladkad si River sa bar para mag-inom.Pero imbes na uminom, nakatulala lang si River sa baso niya na may lamang whiskey. Tahimik na humihithit ng sigarilyo habang ang utak niya ay okupado ng mga linyang binitawan ni Elowen kaninang umaga, sa katotohanang nakunan ito at si Mitena daw ang nagpapainom sa asawa ng kung ano."Bro, para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Ano bang problema mo? Bumalik ka na naman sa pagiging emo boy mo nung high school. Nakakabwisit kang kasama, pramis," pang-aasar ni Hans habang umiiling.Tiningnan siya nang masama ni River. Itinaas nito ang hawak na baso na parang ibabato sa mukha ng kaibigan."Subukan mo, River. Demanda aabutin mo," tawa ni Hans sabay taas ng dalawang kama
Read more