FAZER LOGINKinabukasan, naging usap-usapan sa buong BGC ang opisyal na pag-upo ni Elowen bilang Vice President ng Quinn Group.Pero para sa mga taong nasa loob ng kumpanya, alam nilang pormalidad na lang ang title na Vice President dahil si Elowen naman ang tunay na magmamana ng korona.Tatlong taon na ang nakararaan nang napilitang bumalik mula sa pagre-retiro ang tiyuhin ni Elowen na si Inigo para saluhin ang kumpanya matapos magkasakit ang dating CEO nito. Ang problema? Isang playboy at walang hilig sa negosyo si Inigo. Tiniis lang niya ang posisyon habang hinihintay na mag-mature at matuto ang pamangkin niya sa ibang bansa. Gusto na lang niyang mag-travel, mag-scuba diving at mag-relax habang hinihintay ang taunang dividend niya!Kaya naman, walang mas sasaya pa kay Inigo nang mismong araw na pumasok si Elowen. Sa loob ng malawak na office na may overlooking view ng Metro Manila, masiglang ipinapakilala ni Inigo si Elowen sa mga board members."Everyone, the long wait is over! Nandito na ang
Napalunok si Mateo at mariing pumikit. “Diyos ko po. Tuluyan na pong nasira ang ulo ng Boss ko. Tatlong taon nang patay ang asawa nito! Paanong babalik 'yon?!”Napabuntong-hininga na lang si Mateo nang tatlong beses at ipinagpatuloy ang pagmamaneho pauwi, tinanggap na lamang na tuluyan nang nabaliw ang boss niya. Pero pagkauwi niya, nag-scroll si Mateo sa Viber group ng mga executives sa Manila. May isang nag-forward ng video ng iskandalo kanina sa cruise ship. Nang buksan niya ang video at i-zoom in ang babaeng naka-black mask, muntik nang mabitawan ni Mateo ang phone niya.Ang tindi pati na ang galaw nito. Isabay pa ang malamig nitong mga mata, kahit na malabo ang video kilalang-kilala niya kung sino yun! Napaiyak si Mateo at napasandal sa pader ng apartment niya. "Ma'am Elowen, buhay nga po talaga kayo."—Kinabukasan, sa loob ng napakalaking dining room ng mga Samaniego, kalmadong kumakain ng late breakfast si Raynold, ang Vice President ng Samaniego Group. Habang humihigop siya
“Sorry? Anong silbi ng sorry mo kung patay na ang tao? Saka Mr. Samaniego, bakit ka nagso-sorry sa akin? Kung gusto mong humingi ng tawad, doon ka sa sementeryo o sa puntod ng asawa mo mag-drama!"Akmang tatalikod na si Elowen subalit bago pa man siya makahakbang marahas siyang hinila ni River. Isang napakalakas at agresibong pwersa ang humapit sa bewang niya. At sa isang iglap, dumapo ang mainit, mapilit at desperadong mga labi ni River sa kanyang bibig!Nanlaki ang mga mata ni Elowen. Putangina! Agad siyang nagpumiglas, hinampas niya ng malakas ang dibdib ni River kung kaya’t tuluyang nahulog ang itim na scarf niya sa sahig, kasabay noon ay ang kanyang mask. Bumungad ang napakaganda, maputla at malamig na mukha ni Elowen!Si River naman ay parang mababaliw nang makita niya ang mukha ng babaeng limanng taon niyang iniyakan kaya naman mas lalo itong naging agresibo. Naging mapusok ang halik nito na parang gusto siyang kainin nang buo!Subalit isang malakas na sampal ulit ang pinakaw
Kung ibang tao lang ito, pwede pa sanang magdahilan si River. Pwedeng sabihing namalikmata lang ito. Pero kay Elowen? Imposible.Napalunok ng mariin si River, punong-puno ng kaba, desperasyon at pag-asa ang kanyang sistema subalit napaka kalmado lang ni Elowen. Tiningnan niya si River na parang hindi niya ito kilala. "Excuse me, Sir," malamig na panimula ni Elowen.Dahil sa nasirang vocal cords nang tumalon siya sa dagat limang taon na ang nakakalipas, nagbago ang boses niya. Naging mababa ito at kapag masyadong emosyonal o nanlalamig, halos paos na bulong na lang ang lumalabas dito.Kinusot ni Elowen ang kanyang mga mata at tumingin ng deretso sa binata. "Sir, m-mali po yata kayo ng taong niyakap."Natigilan si River, ang matinding kumpyansa sa mga mata nito kanina ay napalitan ng pag-aalinlangan. Dahan-dahan nitong niluwagan ang hawak sa pulso niya. Pero bago pa man tuluyang makabitiw, biglang may sumiklab sa mga mata ng lalaki. Parang isang demonyong nabuhay mula sa kailaliman ng
Sa kabilang banda, hindi inaasahan ni Elowen na babalik sa upper deck si River. Nang mag-umpisa nang magkainan ang mga bisita, tahimik na naglakad si Elowen papunta sa railings ng barko habang pinagmamasdan ang madilim na dagat.Ilang sandali pa, isang lalaking naka-blue suit ang tumabi sa kanya. Si Dino, hawak nito ang namamaga at namumulang pisngi habang nakangisi."Selina! Kumusta ang acting ko? Pwede na bang pang-Oscar Award?" natatawang tanong ni Dino.Sumilip si Elowen sa kanya, tipid na ngumiti at sumagot, "Not bad. Bilang pabuya, pwede kang pumili ng kahit anong overseas warehouse ng Quinn Group na gusto mong gamitin at free lang yun for the next six months."Nanlaki ang mga mata ni Dino sa tuwa. Mabilis nitong hinapit ang bewang ni Elowen at hinalikan ito sa pisngi! "You're the best, Selina!"Hindi pumalag si Elowen at natawa na lamang siya. Matagal na silang magkaibigan ni Dino simula nung nasa France pa siya. Alam din niyang ginawa lang ito ni Dino bilang pasasalamat. At sa
Pagbaba ng barko, hindi pa man nakakahinga ng maluwag si Beatrice ay marahas na siyang itinulak ni River palayo."Ano bang alam mo tungkol kay Elowen?!" nanggagalaiting tanong ng binata. "Buhay ba siya?! Sabihin mo!"Ito ang tanong na hindi mapakali sa isip ni River. Totoo ba ang nakita niya kanina? O baka guni-guni niya na naman 'yon dahil sa sobrang pagka-miss? Limang taon na siyang nababaliw kakahabol sa mga aninong kahawig ng asawa niya.Pinag-isipang mabuti ni Beatrice ang isasagot. Siyempre, hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. "N-Nakita ko lang 'yung likod niya nung isang araw sa mall kung saan ako nagtatrabaho. I-I-coconfirm ko sana bago ko sabihin sa'yo p-pero kanina, pinagkamalan nila akong kabit—""Saan?!" sigaw ni River at marahas na hinawakan ang magkabilang balikat ni Beatrice. "Saang mall?! Iche-check ko ang CCTV! Sabihin mo sa akin ngayon din!"Muling nagwala ang demonyo sa loob ni River. Mula sa upper deck ng barko, tahimik na nanonood sina Elowen at Paloma. Balot ng
Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag a
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal
Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mg







