Mag-log inAng totoo, ang mga salitang iyon ay nagpapakita lamang ng kawalan ng tiwala ni Raynold sa kaniyang sarili. Gusto niyang maging CEO, pero natatakot siyang hindi niya kayang patakbuhin ang kumpanya, kaya gusto niyang gamitin pa rin si River sa simula. Kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, saka na niya ito tuluyang sisipain palabas.Palaging mukhang mabait at edukado si Raynold sa labas, pero sa harap ng mga taong pinagkakatiwalaan niya, lumalabas ang kaniyang tunay na kulay.Muling tumawa si Beatrice at mabilis siyang idiniin ni Raynold pabalik sa kama.Habang nangyayari iyon, matagal na nakaupo si Mateo sa sala sa ibaba habang hawak ang telepono ni River. Nang makapagdesisyon, tumayo siya, kinuha ang kaniyang jacket at mabilis na lumabas!“May sakit ang boss at pinagbabantaan pa. Hindi ako pwedeng tumayo lang at manood bilang assistant niya!”Sumakay siya sa kotse at mabilis na nagmaneho patungo sa villa sa tuktok ng bundok.Sa gitna ng biyahe, nakaramdam siya ng uhaw a
Paglabas pa lang ni River mula sa silid, agad niyang nasilayan si Elowen na nakatayo sa may pintuan.Ang totoo, kanina pa nakatayo roon si Elowen kasama ang kaniyang tito mula nang magsimula ang nakakabinging boses mula sa silid. Mabilis na pumasok ang tito nito sa loob, habang si Elowen naman ay natulala, tila napako sa kaniyang kinatatayuan sa labas.Ang nakaraan niyang pilit niyang binabapn. Pero kailangang balikan muli at kailangang paulit-ulit na nararanasan.Nanginig ang mga labi ni Elowen habang naiiyak dahil sa narinig sa loob. Sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay wala na siyang nararamdaman. Manhid na manhid na siguro siya. Dahan-dahang lumapit si River sa kanya. Ni walang pagbabago sa mukha ni Elowen, ngunit sapat na ang titig ng kaniyang mga mata para maramdaman ang matinding galit na nag-aapoy sa loob nito.Sobrang lupit na ng dalawang pamilya kay River. Pero iba pa rin ang pamilya Quinn. Hindi nila siya sinaktan tulad ng ginagawa ng kaniyang sariling lolo, sapat na ang
Sa itaas ng ospital, nakaupo si Elowen sa loob ng private VIP room ng kanyang Lolo. Sakto namang nag-ring ang telepono niya dahil sa isang urgent na tawag mula sa kumpanya. Nag-excuse siya at lumabas ng kwarto papunta sa malawak na balcony ng floor.Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang mawala si Elowen, bumukas ang pinto ng kwarto.Pumasok si River ay nakita agad nito ang matandang Quinn. Kahit nakaratay na ito sa kama at mahina na ang katawan, sapat na ang presensya ni River para mag-apoy sa galit ang matanda!Sa nakalipas na dalawang araw, nabasa rin ng Lolo ang nag-viral na Reddit thread tungkol sa “Abusive CEO". At hindi bobo ang matanda, bago pa man pangalanan ng mga netizens sina River at Elowen, alam na nitong ang apo ang pinagmamalupitan sa kwento!Ang pinakamasakit pa para sa Lolo, hindi lang ang pagiging abusado ng CEO ang laman ng comments. Marami ring mga tao ang sinisisi ang biktima. Sinasabi nilang wala raw hiya si Elowen at nilalait ang sarili nito dahil nagpakata
Mabilis na nakarating ang itim na SUV ni Mateo sa driveway ng St. Luke's Medical Center emergency room. Nagmamadali siyang bumaba para tumawag ng mga doktor. Paglabas niya, may kasunod na siyang mga nurse na nagtutulak ng wheelchair.Sa mga oras na 'yon, medyo nagkakaroon na ng malay si River. Pagkakita niya sa wheelchair, kumunot ang noo niya at pinilit na umayos ng upo. "Hindi ko 'yan kailangan...""Boss naman!" naiiyak na sigaw ni Mateo. "Nagsuka na kayo ng dugo! Hinimatay na nga kayo eh! Hindi pwedeng hindi kayo magpatingin sa doktor!"Pero matigas pa rin ang ulo ni River at ayaw bumaba ng sasakyan. Pati mga doktor ay pilit siyang kinukumbinsi. Habang nagtatalo sila, isang pamilyar at maangas na boses ng lalaki ang narinig nila mula sa gilid."Grabe naman ang mga tao ngayon, walang konsiderasyon," asik ng isang boses. "Emergency lane 'to ng ospital, ginagawang parking lot ng private car."Parinig iyon sa nakaharang na kotse ni River. Akmang gagamitin sana ni Mateo ang pagkakataong
Natulala si Art dahil sa sobrang takot. Si Raynold naman ay nakahalukipkip at masayang pinapanood ang pagkabaliw ng kapatid. Nagkagulo ang mga katulong, ngunit biglang may isang paos na boses mula sa itaas ng hagdan ang umalingawngaw. "Umakyat kayong lahat dito! Ngayon din."Napatingala silang lahat. Ang matandang Samaniego na matagal nang nakaratay sa kama dahil sa sakit ay nakaupo ngayon sa wheelchair habang nandidilim ang mukha. Dahil higit tatlong dekada nitong pinamunuan ang pamilya Samaniego, agad na sumunod ang mag-aama. Umakyat sina Art, Raynold at River papunta sa master's bedroom. Sumunod din ang ilang katulong just in case may mangyaring masama.Pagpasok nila sa kwarto, nakatalikod ang wheelchair ng matanda’t nakaharap sa bintana."Pumasok kayo at isara ang pinto," malamig na utos ng Lolo.Agad iyong sinunod ni Raynold. Lumapit naman si River, yumuko nang may paggalang at binata ang matanda. "Lolo."Dahan-dahang inikot ng matanda ang wheelchair at sumenyas kay River na lum
Makalipas ang dalawampung minuto, dumating ang itim na SUV ni River sa mansyon ng mga Samaniego. Papasok pa lang siya ng double doors, ramdam na niya ang bigat ng tensyon sa loob. Nakatayo ang ama niyang si Art sa gitna ng sala habang namumula ang mukha sa galit.Pero nang salubungin ito ni River ng isang malamig at blangkong tingin, kusang umurong ang dila ng matanda na para bang binuhusan ito ng malamig na tubig."I-Ikaw na bata ka!" nanginginig at nag-aalangang sigaw ni Art. "Anong klaseng CEO ka?! Paano lumabas ang ganyang kababuyang balita sa internet, ha?!"Hindi man lang pinansin ni River ang ama. Kalmado itong naglakad palagpas sa ama, umupo sa mamahaling leather sofa at prenteng isinandal ang likod.Sa gilid ng dining area, nakatayo si Raynold at tahimik na nanonood. May pasikretong ngisi sa mga labi nito nang makitang galit na galit ang ama sa kapatid. Sa totoo lang, kahit si Raynold ay nagulat sa paglabas ng post. Nung una, inisip nitong galing 'yon kay Elowen. Pero na-rea
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal
Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mg
Matapos pakalmahin ang sarili agad na nag-ayos si Elowen. Dahil sa mga pasa at marka ng mga daliri sa kanyang leeg, napilitan siyang magsuot ng isang high-necked mesh top na pinatungan niya ng isang simpleng business suit.Paglabas niya ng elevator papuntang lobby, sumalubong sa kanya ang liwanag a
“Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapa







