LOGINTahimik na nakaupo si Raymond sa gilid ng sala ng malaking hilltop villa ng mga Samaniego sa Antipolo. Nakangisi siya sa sarili. “Ayos,” isip-isip niya. “Kung mailalabas nila ni Mateo ang katotohanan ngayong gabi, malilinis na ang pangalan ni Ma'am Elowen! Hindi na sila magpo-problema!”Ngunit habang nag-iisip siya ng mga plano, biglang may bumukas na pinto mula sa hallway.Nanginig si Mateo at nanlaki ang mga mata. Pamilyar ang mukhang 'yon, walang iba kung ‘di si Beatrice!Maging si Beatrice ay natigilan. Gusot pa ang suot nitong silk nightgown at halatang kakabangon lang para uminom ng tubig, pero ngayon, nakatitig siya sa tatlong lalaking nasa sala!Awtomatikong umatras si Beatrice at gustong magtago. Pero nang makita niyang nakatingin na sa kanya si Mateo at nakaupo sa tabi nito ang lalaking kamukha ni River, bigla siyang huminto.“Bakit pa ako magtatago?” isip ni Beatrice, “Hawak ko na si Raynold ngayon! Hindi ko na kailangang maging anino! Dapat akong tumayo nang nakataas-noo,
Ang totoo, ang mga salitang iyon ay nagpapakita lamang ng kawalan ng tiwala ni Raynold sa kaniyang sarili. Gusto niyang maging CEO, pero natatakot siyang hindi niya kayang patakbuhin ang kumpanya, kaya gusto niyang gamitin pa rin si River sa simula. Kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, saka na niya ito tuluyang sisipain palabas.Palaging mukhang mabait at edukado si Raynold sa labas, pero sa harap ng mga taong pinagkakatiwalaan niya, lumalabas ang kaniyang tunay na kulay.Muling tumawa si Beatrice at mabilis siyang idiniin ni Raynold pabalik sa kama.Habang nangyayari iyon, matagal na nakaupo si Mateo sa sala sa ibaba habang hawak ang telepono ni River. Nang makapagdesisyon, tumayo siya, kinuha ang kaniyang jacket at mabilis na lumabas!“May sakit ang boss at pinagbabantaan pa. Hindi ako pwedeng tumayo lang at manood bilang assistant niya!”Sumakay siya sa kotse at mabilis na nagmaneho patungo sa villa sa tuktok ng bundok.Sa gitna ng biyahe, nakaramdam siya ng uhaw a
Paglabas pa lang ni River mula sa silid, agad niyang nasilayan si Elowen na nakatayo sa may pintuan.Ang totoo, kanina pa nakatayo roon si Elowen kasama ang kaniyang tito mula nang magsimula ang nakakabinging boses mula sa silid. Mabilis na pumasok ang tito nito sa loob, habang si Elowen naman ay natulala, tila napako sa kaniyang kinatatayuan sa labas.Ang nakaraan niyang pilit niyang binabapn. Pero kailangang balikan muli at kailangang paulit-ulit na nararanasan.Nanginig ang mga labi ni Elowen habang naiiyak dahil sa narinig sa loob. Sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay wala na siyang nararamdaman. Manhid na manhid na siguro siya. Dahan-dahang lumapit si River sa kanya. Ni walang pagbabago sa mukha ni Elowen, ngunit sapat na ang titig ng kaniyang mga mata para maramdaman ang matinding galit na nag-aapoy sa loob nito.Sobrang lupit na ng dalawang pamilya kay River. Pero iba pa rin ang pamilya Quinn. Hindi nila siya sinaktan tulad ng ginagawa ng kaniyang sariling lolo, sapat na ang
Sa itaas ng ospital, nakaupo si Elowen sa loob ng private VIP room ng kanyang Lolo. Sakto namang nag-ring ang telepono niya dahil sa isang urgent na tawag mula sa kumpanya. Nag-excuse siya at lumabas ng kwarto papunta sa malawak na balcony ng floor.Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang mawala si Elowen, bumukas ang pinto ng kwarto.Pumasok si River ay nakita agad nito ang matandang Quinn. Kahit nakaratay na ito sa kama at mahina na ang katawan, sapat na ang presensya ni River para mag-apoy sa galit ang matanda!Sa nakalipas na dalawang araw, nabasa rin ng Lolo ang nag-viral na Reddit thread tungkol sa “Abusive CEO". At hindi bobo ang matanda, bago pa man pangalanan ng mga netizens sina River at Elowen, alam na nitong ang apo ang pinagmamalupitan sa kwento!Ang pinakamasakit pa para sa Lolo, hindi lang ang pagiging abusado ng CEO ang laman ng comments. Marami ring mga tao ang sinisisi ang biktima. Sinasabi nilang wala raw hiya si Elowen at nilalait ang sarili nito dahil nagpakata
Mabilis na nakarating ang itim na SUV ni Mateo sa driveway ng St. Luke's Medical Center emergency room. Nagmamadali siyang bumaba para tumawag ng mga doktor. Paglabas niya, may kasunod na siyang mga nurse na nagtutulak ng wheelchair.Sa mga oras na 'yon, medyo nagkakaroon na ng malay si River. Pagkakita niya sa wheelchair, kumunot ang noo niya at pinilit na umayos ng upo. "Hindi ko 'yan kailangan...""Boss naman!" naiiyak na sigaw ni Mateo. "Nagsuka na kayo ng dugo! Hinimatay na nga kayo eh! Hindi pwedeng hindi kayo magpatingin sa doktor!"Pero matigas pa rin ang ulo ni River at ayaw bumaba ng sasakyan. Pati mga doktor ay pilit siyang kinukumbinsi. Habang nagtatalo sila, isang pamilyar at maangas na boses ng lalaki ang narinig nila mula sa gilid."Grabe naman ang mga tao ngayon, walang konsiderasyon," asik ng isang boses. "Emergency lane 'to ng ospital, ginagawang parking lot ng private car."Parinig iyon sa nakaharang na kotse ni River. Akmang gagamitin sana ni Mateo ang pagkakataong
Natulala si Art dahil sa sobrang takot. Si Raynold naman ay nakahalukipkip at masayang pinapanood ang pagkabaliw ng kapatid. Nagkagulo ang mga katulong, ngunit biglang may isang paos na boses mula sa itaas ng hagdan ang umalingawngaw. "Umakyat kayong lahat dito! Ngayon din."Napatingala silang lahat. Ang matandang Samaniego na matagal nang nakaratay sa kama dahil sa sakit ay nakaupo ngayon sa wheelchair habang nandidilim ang mukha. Dahil higit tatlong dekada nitong pinamunuan ang pamilya Samaniego, agad na sumunod ang mag-aama. Umakyat sina Art, Raynold at River papunta sa master's bedroom. Sumunod din ang ilang katulong just in case may mangyaring masama.Pagpasok nila sa kwarto, nakatalikod ang wheelchair ng matanda’t nakaharap sa bintana."Pumasok kayo at isara ang pinto," malamig na utos ng Lolo.Agad iyong sinunod ni Raynold. Lumapit naman si River, yumuko nang may paggalang at binata ang matanda. "Lolo."Dahan-dahang inikot ng matanda ang wheelchair at sumenyas kay River na lum
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal







