登入Nang mawala sina Assistant Mateo, sobrang tahimik na ng silid. Gulong-gulo ang buhok ni Elowen, punit-punit ang blusa at duguan ang gilid ng leeg saka may mga pasa pa sa kanyang balikat.Madilim siyang tiningnan ni River, nang makita ang nakalantad na balat ng asawa agad na kinuha nito ang ang telepono ng hotel."Magpadala kayo ng damit, dito sa Room 88. Ngayon na."Ibinaba ni River ang telepono. Humalukipkip ito at malamig na tinitigan ang humihikbing asawa."Ang tapang-tapang mong pumunta sa mga ganitong meeting mag-isa ah, tapos hindi mo kaya ang consequences?" malamig nitong panunumbat. "Kung wala ka naman palang lakas para ipagtanggol ang sarili mo, wag kang magpupunta sa mga lugar na 'to."Tumingala si Elowen, ang mga mata’y puno ng luha at hinanakit."P-Paano ko naman malalaman na siya 'yon?" bulong ni Elowen. "Pamilya ko ang nag-set up sa akin... A-akala ko..."Hindi na niya natapos ang sasabihin. Isang hikbi ang kumawala sa nanginginig niyang labi. Napabuntong-hininga ng ma
Walang awa ang pagbuhos ng ulan sa isang hotel pero mas nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ni Elowen.Nanginginig ang buong kalamnan niya. Ang malamig at matalim na kutsilyo ay nakadiin sa kanyang leeg. Isang maling galaw lang, alam niyang dadanak ang dugo niya sa maputing carpet.“B-Bakit nangyayari 'to?” sigaw ng isip niya. “Akala ko ba family dinner 'to?”Sa isang iglap, nag-sink in sa kanya ang mapait na katotohanan. Ang stepmother niya, plinano ito ng sarili niyang madrasta para ibenta siya sa lalaking nasa harap niya ngayon."Mr. Santos..." nanginginig na sambit ni Elowen. Tiningnan niya ang malamig na posas na nakakabit sa mga pulso niya at ang nakakadiring mga mata ni Santos na tanging puting tuwalya lang ang nakapulupot sa baywang. "Kung... kung babae lang ang hanap mo para paglaruan, m-marami naman diyan. Hindi mo kailangang umabot sa ganito."Isang malademonyong tawa ang pinakawalan ni Raymund. Mas idiniin nito ang kutsilyo sa leeg niya kung kaya’t naramdaman ni Elowen ang
Wala nang nagawa si Elowen kundi sumunod papunta sa sasakyan.Sa loob ng Maybach, sumiksik si Elowen sa pinakadulong pinto at pilit na nilalayo ang sarili sa asawa niya.Hindi na nagpumilit si River. Isinandal lang nito ang ulo sa headrest at pumikit.Sobrang tahimik ng byahe pero nang marating na nila ang kalsada malapit sa destinasyon niya, biglang nagsalita si River."Itabi mo sa RJ Club," utos nito sa driver.Natigilan si Elowen. Paanong... paano nito nalaman na malapit na sila sa RJ Club?! Buong byahe itong nakapikit at hindi man lang dumidilat!Nang huminto ang sasakyan, dahil late na siya, nagmadaling binuksan ni Elowen ang pinto."Salamat, Mr. Samaniego!" mabilis na paalam niya bago patakbong lumabas papunta sa entrance ng hotel.Nang makarating siya sa revolving door ng entrance, huminto siya para maghintay. Pero paglingon niya sa gilid...Isang pamilyar, matangkad at seryosong lalaki ang tahimik na nakatayo sa tabi niya. Isang perpektong bulto ng asawa niya! Napaubo siya da
Kinabukasan ng umaga, paggising ni Elowen, wala na si River sa tabi niya. Umalis na ang lalaki baka nasa opisina na. Pagdating niya sa kompanya, nalaman niyang may business trip na naman ito at out of town pa. Bilang secretary, halos wala na siyang ginagawa kapag wala ang boss niya at hindi naman siya nito sinasama. Mabuti na lang at hawak niya ang design phase ng Davao Project. Masyado siyang naging abala sa pakikipag-coordinate sa mga architects at engineers ng kumpanya, na naging source ng kaligayahan at distraction niya.Makalipas ang dalawang araw, bumalik si River sa Maynila. Saktong-sakto namang 'yon din ang araw na tuluyan nang nakalaya ang kapatid niyang si Ethan mula sa kulungan.Tinawagan agad siya ni Susana, ang kanyang madrasta. Pinapauwi siya nito at pinipilit na isama si River para raw sa isang celebration dinner. Siyempre, matigas siyang tumanggi. Ni hindi nga siya nag-abalang umuwi para makita sila.Pero kinabukasan, laking gulat niya nang mismong ang madrasta niya
Handa na sanang rumebat si Logan pero biglang lumingon si River kay Elowen. Isang demonyo at nakakakilabot na tawa ang pinakawalan nito bago muling tumingin kay Logan."O baka gusto mong siya ang tatanungin natin?" hamon ni River. "Elowen. Kung papipiliin ka sa aming dalawa ngayon, sino ang pipiliin mo?"Nanlaki ang mga mata ni Elowen. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Paano nito nagagawang itanong 'yan?Natahimik naman si Logan, akmang magsasalita sana nang biglang talikuran na sila ni River at mabilis na nag-walkout palabas ng restaurant!“RIVER!" naiiyak na tawag ni Elowen habang tulalang nakatingin sa papalayong asawa.Nanginginig ang buong katawan ni Elowen. Nakatayo siya doon ng ilang segundo, punong-puno ng kahihiyan at sakit. Tiningnan niya si Logan na para bang humihingi siya ng kapatawaran sa lalaki. Wala siyang sinabi, pero sa huli, tumalikod si Elowen at tumakbo para sundan si River.Naiwan si Logan sa mesa. Sa sobrang galit at frustration, hinablot niya ang baso n
Samantala, naiwan si River sa loob ng sasakyan. Hawak nito ang cellphone ni Elowen. Dahan-dahan nitong pinindot ang screen at tiningnan ang mga text messages na pumasok sa notification ni Elowen. [Logan: Elo, nandito na ako. On the way ka na ba?][Logan: Elo, hindi ka ba makakalabas? Ang lakas ng bagyo, pwede naman natin i-reschedule?][Logan: Elo... nandito pa rin ako. Kapag nabasa mo 'to, paki-text naman ako agad, please? Nag-aalala na ako sa’yo.][Logan: Elo, hindi ko ma-contact ang number mo... Ayos ka lang ba? Nasaan ka?]Naningkit ang mga mata ni River. Isang malamig, mapanganib at mapangutyang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya."Elo?" bulong niya sa sarili. ***Sa kabilang banda, hingal na hingal si Elowen. Walang tigil siya sa pagtatakbo habang papasok sa second floor ng isang high-end fine dining restaurant sa Star Hotel.Pagpasok niya, halos magsasara na ang kusina at iilan na lang ang mga guests na natitira. Pero sa isang table malapit sa malaking glass window na nakadu







