Kinaumagahan, sa ikawalong araw ng kanyang pagkawala, nagpasya akong magtungo sa construction site nang walang kasamang sekretarya. Kailangan kong personal na siyasatin ang pag-usad ng pagpapatatag sa pundasyon ng Tower 2, dahil ayon sa ulat ni Alden kahapon ay may kaunting antala sa pagdating ng mga karagdagang heavy equipment. Suot ang aking kupas na leather boots, maong, at ang dilaw na safety helmet, pinihit ko ang manibela patungo sa malawak na lupain ng Global Land.Habang ipinaparada ko ang aking sasakyan sa pamilyar na parking lot, pilit kong inihahanda ang aking sarili sa pakikipag-usap sa mga foreman at mga engineer. Ang buong akala ko, tulad ng mga nakaraang araw, ay ang pamilyar na mukha na naman ni Alden ang sasalubong sa akin.Subalit pagkababa ko pa lang ng kotse, tila ba huminto ang tibok ng aking puso.Sa tabi ng pansamantalang barracks ng mga engineer, nakatayo ang isang matangkad na lalaki. Nakatalikod siya sa akin, hawak ang isang clipboard habang may kinakausap n
Read more