Habang naglalakad ako bitbit si Kiran, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Pero ang batang karga ko, tila walang kamalay-malay sa bagyong nagaganap sa loob ng dibdib ko. Panay ang kwento niya sa akin sa wikang Ingles, masigla at walang hinto, na parang matagal na kaming magkakilala."I go to a big school in Europe, sir!" kwento niya habang nakahawak sa balikat ko ang kanyang maliit na kamay. "My favorite subject is Art, and I love building Lego blocks. Daddy Drevin always buys me the big ones, the ones with the spaceships! Do you like spaceships too?""Yes, buddy. Spaceships are cool," pilit ang ngiti kong sagot, sinusubukang ibalik ang atensyon sa kanya kahit na ang isip ko ay naglalayag sa ibang direksyon."And my twin sister, Kirsi, she doesn't like Legos. She only likes reading and drawing animals," patuloy ni Kiran, habang iginagala ang paningin sa mga makukulay na karatula ng mga tindahan. "But both of us love swimming! Mommy takes us to the beach every summer."Kakaiba ang
Read more