Tila ba ang bawat minuto sa akin ay umaabot ng isang buong araw. Dumating si Alden, na may dalang dalawang paper bag."Ma'am Khendra, ito pong damit ay ipinadala sa akin ni Princess galing daw po sa inyo. Magpalit daw po muna kayo ng damit, dahil baka po biglang lumabas si sir ng hindi pa kayo maayos. May towel din po diyan saka essentials. Yung iba po, nasa kotse niyo po. May spare po siya ng hood sa likod, kaya nabuksan ko. Pagkatapos niyo pong maligo, may dala po akong pagkain, kumain po muna kayo.."Kinuha ko ang paper bag na iniaabot niya, saka ko iyon bahagyang sinilip. Naglakad ako pabalik sa silid ni Nathaniel, saka ako nagtungo sa banyo.Naligo ako ng halos kalahating oras, at nagbihis. sweat pants and tshirt ang aking isinuot, saka may kasamang isang jacket. Medyo malamig ang aircon sa loob. May tsinelas din saka medyas na agd kong isinuot.Nasa loob na ang pagkain na dala ni Alden. Nasa mesa na ang isang bento box na may lamang pagkain mula sa isang restaurant sa labas.Ma
続きを読む