LOGIN<3
Naglakad na ang farm manager kasama si Vincent habang ang ilang bodyguard ay nauuna at ang iba ay nasa likuran nila na mahigit tatlong metro ang layo. May nadaanan silang mga damo na halos umabot sa tuhod ni Helga, ngunit walang pakialam ang babae. Hindi maiwasan ni Nikko na mapangiti dahil walang arte ang dalaga.Nilapitan nila ang unang mababang puno na may mga pulang beans na nakadikit. “Ang ganda talaga tingnan ng bungkos ng mga kape,” halos pabulong na sabi ni Helga na hindi nakaligtas pandinig ng lalaki.Kumunot ang noo ni Nikko. “Nakakita ka na dati ng coffee plant?”Tumango si Helga. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Nikko. “Saan?”Natigilan ang babae. Hindi niya maaaring sabihin na nakakita na siya noon sa Zamboanga habang nagte-training siya. Mabilis siyang napaisip ng dahilan. “Sa Cavite. May nakita ako dati malapit sa Tagaytay.”Napatango si Nikko. Naisip niyang itanong kung sino ang kasama nito dahil baka may nobyo pala ang babae at laging nagde-date sa Tagaytay. “Mahilig
Dalawang sasakyan ang mga bodyguard na kasama nila sa convoy patungo sa sikretong lugar na nais puntahan ni Nikko. Kung normal lang na boss ni Helga ang lalaki at hindi isang misyon para sa kanyang tungkulin sa bayan, hindi siya papayag na umalis sa hotel nang hindi alam kung saan sila magtutungo, lalo na alam niyang NPA-infested ang bulubunduking kanilang dinaraanan. Hindi siya puwedeng mamatay dahil may anak siyang umaasa sa kanya.Bigla niyang na-miss ang malambing niyang anak. Sa mga ganitong panahon na wala siyang iniisip at nakaupo lang, mas gugustuhin niyang kasama ang anak upang makabawi sa pagkukulang niya rito. Habang nakatingin sa labas si Helga at iniisip ang kanyang anak, palingon-lingon naman sa kanya si Nikko na nakaupo sa kabilang side ng sasakyan. Kung nagkita sila muli ni Helga nang mas maaga, sigurado siyang maaangkin niya muli ang babae. Ngunit nangyari ang lahat ng ito sa panahong nakapirma na siya sa isang kasunduan.Kung tutuusin, madali lang naman sa kanya na
“Good morning, Sir,” nakangiting bati ni Helga kay Nikko nang dumating ang lalaki sa hangar ng JNQ sa Terminal 4.Kunot ang noo ng lalaki na tumango kay Helga. Dumiretso ang boss sa lounge habang kakamot-kamot ng ulo si Vincent na sumunod sa lalaki. Nagkibit-balikat na lamang ang babae at bumalik sa ginagawa kanina.Nakatanggap ng text message si Helga, kaya binasa niya iyon.Vincent Sa akin siya galit. Hindi sa iyoDumating na si Capt. Ilagan at ang dalawang flight attendant na kapwa bagong hire, kaya hindi na nasagot ni Helga ang assistant ng boss . Agad na nagsagawa ng inspection si Sandro upang siguraduhing maayos na na-check ang eroplano.“Capt. Marcelo, ikaw na tumawag kina Sir sa lounge. Sabihin mo puwede na tayo umalis, anytime,” utos sa kanya ng piloto.Agad siyang tumalima. Itutulak na sana niya ang p***o ng lounge nang marinig niya ang sigaw ni Nikko.“Paanong nagkaproblema sa shipment, Vincent?” Natigilan si Helga. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at naisip niyang
Masama ang loob ni Cindy na sumakay sa sasakyang na-book na papunta sa airport. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan si Nikko para bawiin ang nasabi niya kanina, ngunit nalilipat lang ang tawag kay Vincent.Napatitig siya sa mga sasakyang kasabay nila sa biyahe sa EDSA. Nagpanggap siyang galit kanina sa lalaki para puntahan siya sa kanyang unit. Plano sana niyang akitin ito para may mangyari sa kanila bago siya umalis. Dalawang araw na kasi siyang delayed at ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Nag-aalala siya na baka buntis siya at ang estrangherong naka-sex niya sa BGC ang ama, dahil laging may suot na condom si Nikko tuwing may mangyayari sa kanila. Napahawak siya sa kanyang ulo. Sakaling buntis siya, tiyak na malaking kahihiyan iyon at siguradong pagagalitan siya ng kanyang ama.Nagtipa siya muli ng text message sa lalaki.Cindy to Nikko:I’m sorry, Babe. Mag-usap tayo pagbalik ko.Ilang ulit niyang tinitigan ang kanyang mensahe, pero hindi man lamang iyon basahin ng kanyang fianc
“Dalawang buwan kang mawawala, tapos ngayon mo lang sinasabi sa akin at sa call pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Nikko kay Cindy.“Nagkasakit kasi ang road manager na may hawak sa US Tour Concert ng mga Filipino singers na ito. Malaking project ito para sa event company ko at hindi ko basta puwedeng pabayaan,” paliwanag ni Cindy sa kanya sa telepono.“At paano ang kasal nina Kuya at Cielo? That’s three months from now!” aburidong sabi ng lalaki. “My team is on it. At kaya ko naman i-monitor ang progress ng suppliers thru emails and calls,” paniniguro sa kanya ni Cindy.“Bahala ka!” inis na sabi ni Nikko. Napatingin siya sa suot niyang relo. Nagjo-jogging siya kanina nang maramdaman niya ang vibration ng kanyang cellphone. Kung alam lang niya na sisirain lang ni Cindy ang araw niya, hindi na sana niya sinagot ang tawag ng babae. Ibababa na sana niya ang tawag nang muling magsalita ang babae. “Baka puwede mo akong ihatid ngayong umaga sa airport. Bati na tayo, please?”Napauwang ang
Naging abala ang pamilyang Quinn sa mga sumunod na araw. Lahat ng naka-schedule na meeting ng magkapatid na sina Nathan at Nikko sa labas ng Quezon City ay kinansela. Siniguro nilang natututukan nila ang pagpapagamot at pagbuti ng kalagayan ng matandang nag-alaga sa kanila, na parang tunay nilang ina, mula nang mawala na ang kanilang Mommy.“Nikko, ikaapat na araw ko na rito sa ospital, hindi man lang bumisita ang fiancée mo,” puna ni Nanay Andeng habang kumakain ng tanghalian.Si Cielo ang nagsusubo sa kanya ng lugaw at tinolang isda. Mas magana ngayon ang matanda kumain dahil sa wakas may isda na sa kanyang rasyon. Umay na umay kasi siya sa lugaw ng ilang araw pero walang magawa.Nagkatinginan sina Nikko at Cielo. Hindi nakakibo agad ang lalaki dahil ngayon din lang niya naalala si Cindy mula nang iwan niya ito sa Nexus Hotel. Napakibit-balikat siya. “Busy siguro.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andeng. “Si Capt. Marcelo, nga tatlong beses na akong dinalaw, tapos siya na mapapang
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







