ANMELDENHana’s POVNatutop ko ang bibig ko, ang ngiti na nakapaskil sa bibig ko ay agad na nawala at napalitan ‘yon ng matinding kaba. Hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon, wala pa sa plano ko na aminin sa kaniya ang totoo.“A-Ang ibig po sigurong sabihin ni mama ay kung hindi niya tayo kilala ay baka mapagkamalan na niya tayong mag-ama lalo na kung tawagin kitang papa,” si Yohan na nakahalata yata na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “Mama, hindi pa rin po kami tapos na mag ayos ni tito Yael ng mga gamit ko. Hindi ba p’wedeng bukas nalang kami ng maaga umalis kasabay mo para naman hindi ka mag-isang matulog ngayong gabi?”Nakatingin sa akin ng puno ng pag-asa si Yohan, gustuhin ko man na tumanggi ay ilang araw akong mawawala. Tulad niya, gusto ko rin na matulog ngayon na kasama siya, wala naman sigurong mali kung hayaan ko na rito matulog si Yael ngayong gabi.“Ayos lang naman sa akin, pero walang dalang damit si Yael para ngayong gabi dahil wala naman sa plano niya na rito matul
Yael’s POV“Kung ganoon po, mahal mo pa rin ba si mama?” Tanong niya, tagilid ang ulo na hinihintay ang sagot ko. “Ilang taon na ang lumipas, gusto mo pa rin ba si mama?”Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon, paano ko ba sasagutin ang tanong niya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko ng ikwento ko sa kaniya ang tungkol sa nakaraan naming dalawa ng mama niya, pero ngayon na may tanong siya tungkol na totoong nararamdaman ko ay hindi ko na alam ang isasagot ko.“Mahalaga pa ba kung mahal ko pa siya o hindi na?” Alangan na tanong ko sa kaniya at ginaya ang pagsalampak niya sa sahig na mayroong fur blanket, tumabi ako sa kaniya at pinaglaruan ang malambot niyang buhok. “Kung may nararamdaman pa ako sa kaniya o wala na, wala na rin namang magagawa ‘yon lalo na at magiging ayos na siya ng papa mo.”“H-Huh?” Naguguluhan na tanong ni Yohan at titig na titig sa akin, ngunit ilang segundo lang din ang tinagal ng kaguluhan sa ekspresyon niya ng animo’y may maalal
Yael’s POVPatience.Sinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako at hindi siya bibiglain sa mga bagay-bagay, pero ngayon na nasa harapan ko siya ay hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili ko na mas lumapit sa kaniya at ipakita kung ano ba talaga ang gusto ko na mangyari sa pagitan naming dalawa.Hindi tungkol sa kiss o ano pa.Gusto ko na ibalik kung ano ang mayroon sa amin noon, gusto kong maliwanagan kung bakit bigla nalang ayaw na niya, kung may nagawa ba akong mali o baka hindi na niya ako mahal.Pero sa mga tingin niya ngayon, sobrang imposible na paniwalaan ko na na fall out siya.“It’s fine, I understand if you don’t want too,” bulong ko, nahihiya na iniwas ang tingin ko sa kaniya at napayuko nalang. “Hindi ko rin alam kung anong iniisip ko para tanungin ko ang bagay na ‘yon sa’yo,” pilit na tawa ang kumawala sa labi ko.Hindi ko na narinig ang sagot niya ng makabalik galing sa kusina si Yohan dala ang ilang kutsara at tinidor, nagtataka pa siyang nagpalipat-lipat ang ti
Hana’s POV“Y-Yael, andito ka na pala,” halos bulong na saad ko, sobrang lapit na niya sa akin at tuwing hahakbang ako paatras ay mas lalo lang siyang umaambante. “B-Bakit hindi ka pa kumatok sa pinto, panigurado naman na pagbubuksan ka ni Yohan. Baka nga anino mo palang ang nakikita niya ay bubuksan na agad niya ng maluwag ang pinto.”Napangisi naman siya at tumayo na ng diretso.“Kararating ko lang din, hinahanda ko pa ang sarili ko kung ano ang sasabihin ko kay Yohan para hindi magbago ang isip niyang sumama sa akin at sakto naman na dumating ka. Sana sinabi mo para nadaanan nalang kita sa opisina ninyo at sabay na tayong nakarating dito,” saad niya at tumingin sa bahay. “Halika na, baka kanina pa naghihintay si Yohan sa atin.”Sumenyas siya na mauna na akong maglakad kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad sa unahan siya at pakiramdaman lang siyang maglakad sa likuran ko, tahimik lang kaming dalawa hanggang mabuksan ko ang pintuan ng bahay.Agad na bumungad sa amin si Yohan na k
Hana’s POV“Sigurado ka?”Kahit hindi ko siya nakikita sa mga oras na ‘to ay alam ko na gulat ang nakarihistrong ekspresyon sa mukha niya ngayon.“Sigurado ako,” saad ko at huminga ng malalim. “Sinabi sa akin ni Yohan kung gaano niya kagusto na sa’yo siya manatili habang wala ako sa tabi niya, ilang beses ko siyang kinausap ngunit ayaw niyang pumayag. Sa pagkakataon na ‘to, hindi ko na alam kung ano pa ang idadahilan ko sa kaniya.”“Hindi mo kailangan na magdahilan, Hana… Ayos lang talaga sa akin na sa bahay ko muna siya habang wala ka, promise aalagaan ko siya ng maayos na parang sarili kong anak.” Nagmamadali niyang saad.Aalagaan na parang sariling anak?Ilang minuto akong natahimik, kung alam lang niya ang bigat ng mga salitang binitiwan niya ngayon at ang epekto nito sa akin.“Alam ko na magiging maayos siya sa tabi mo, aminin ko man o hindi ay kilala kita at alam ko na mapagkakatiwalaan kita, Yael. Pero, hindi ba makakagulo si Yohan sa’yo? Abala ka rin sa new project ngayon, kah
Yael’s POV “Tito Yael, aalis po si mama kasama si tito Larry para sa business trip nila. Hindi ako kasama, wala akong kasama sa bahay namin at tanging mag-isa lang ako habang wala si mama. Natatakot po akong mag-isa, ‘yon po ang problema,” malungkot niyang saad na naging dahilan ng pagkuyom ng palad ko. Ano? Iiwan niya ang anak niya ng mag-isa para samahan ang boss niyang Ross na ‘yon, hindi talaga siya hahanap ng kapalit o magawa man lang na magpalusot? Isa pa, ano nalang ang sasabihin ng papa ni Yohan pag nalaman na iiwan ni Hana ang anak nila ng walang kasama sa bahay? Bata pa si Yohan, kahit sabihin na matured na siyang mag-isip ay iba pa rin ang araw-araw siyang mag-isa. Paano pag sumama ang pakiramdam niya, paano kung magutom siya at wala ng pagkain? “Kakausapin ko ang mama mo, sasabihin ko sa kaniya na natatakot ka at—” “Hindi na po kailangan, pumayag na po akong umalis siya,” saad niya, agad na pinutol ang sinasabi ko. “What, bakit ka pumayag kung natatakot ka na mag-is
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang







