เข้าสู่ระบบHana’s POV “Yael…” Tawag ko sa kaniya, hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa tabi ko. “Anong ginagawa mo rito, paanong andito ka?” Parang ewan kong tanong. Pero alam ko na hindi rito ang daan papunta sa kompanya niya, kaya bakit andito siya at nangingialam sa nangyayari? H’wag niyang sabihin na sinundan niya kami, nababaliw na ba siya? “Kung ano man ang iniisip mo ay mali ka, may kikitain ako sa gawi rito pero saktong nahinto ang byahe sa traffic kaya naisipan kong tignan kung bakit at nakita kong kayo pala ang naaksidente.” Tumingin siya kay Yohan sa gilid ko at agad na lumuhod. “Ayos ka lang, may masakit ba sa’yo?” Sumulyap sa akin ni Yohan, halata ang pag-aalangan niya kung kakausapin si Yael ngunit sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang kausap ‘to. “Ayos lang po ako, t-tito Yael. Niyakap po ako ng mahigpit ni mama para hindi mahulog, siya po ang nasaktan dahil sa biglang nangyari,” saad niya at sabay silang napatingala sa akin. Hindi ako sigurado ngunit parang
Hana’s POV“Ihahatid ko na kayo,” sambit ni Larry habang palabas kami ng building, habang si Yael ay nakasunod lang sa amin habang nakapamulsa at nanunuod sa mga nangyayari. Wala siyang ginagawa ngunit pagod na pagod ang katawan ko, hindi dahil marami akong ginawa kundi dahil maghapon niya akong tinitigan at pinapanood ang bawat galaw ko.“Hindi na kailangan, Larry, may na book na akong sasakyan nakakahiya naman kung i-cancel ko pa ‘yon ngayon. Salamat, sa susunod nalang. Mag iingat ka pag-uwi,” sambit ko at lumingon kay Yael. “Salamat sa oras mo, Mr. Miller at sa paglibre sa anak ko, mag iingat ka rin sa pag-uwi.”Yumuko ako sa kaniya at hinawakan na ang kamay ni Yohan, nauna na kaming maglakad papunta sa tabi ng kalsada lalo na at naroon na ang sasakyan na booked ko kanina pa. Mabuti na lang din at inagahan ko, ayaw kong magkaroon pa ng kung anong kaguluhan.Hindi naman ako umaasa na pareho nila akong aayain na ihatid kami, pero mas maganda na ang umiwas sa gulo at makaalis agad par
Hana’s POVPinanood ko lang si Yohan na magsimulang umikot-ikot sa mga nakadisplay na mga pagkain, hindi niya magawang itigil ang sarili sa iisang stall. Gustuhin ko man na bawalin siya ay may iilan na rin na mga customers ang dumating, idagdag pa ang seryosong titig sa akin ni Yael.Paulit-ulit akong tumikhim para bawasan ang kabang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan kung bakit sobrang seryoso ng tingin niya sa akin na parang pilit binabasa kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ‘to.“A-Anong gusto mo na pagusapan natin, bakit kailangan mo pa dalhin kami rito para lang makausap ako?” Naiinis ko na saad, kahit ang totoo ay labis-labis na ang kaba na nararamdaman ko.“Hana, sabihin mo, anak mo ba si Yohan?” Seryoso niyang tanong habang humahakbang palapit sa akin, agad naman akong napahakbang paatras. “Bakit hindi mo agad sinabi na may anak ka na?”Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Gusto
Yael’s POV“Talaga po?” Excited niyang tanong at tuwang-tuwa na tumingin kay Hana. “Mama, ayos lang po ba sa’yo na kumain ako ng chocolates?”“H-Hah?” Naguguluhan na tanong niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Yohan. “P-Pero kararating lang natin dito, hindi ka p’wedeng sumama sa kaniya, kakakilala lang ninyong dalawa…”“Mama, mukha siyang mabait at mayaman, isa pa ay kasama siya ni Tito Larry. Sa tingin ko ay hindi naman niya ako ibebenta o ang lamang loob ko para magkapera,” sagot niya kay Hana na ikinalaglag ng panga ko ng ilang segundo ngunit agad na natawa sa mga salitang binitawan niya.“Of course not, I won’t sell you,” saad ko at ginulo ang buhok niya.Malapit ako sa mga bata, pero iba yata ang humor ng batang ‘to. Mukhang magkakasundo kami dahil parang iisa ang takbo ng isip namin, siguro nga ay kung magkaedad kami ngayon ay maging magkaibigan pa kami dahil sa kalokohan na dala naming dalawa.Hindi niya inalis ang kamay ko sa buhok niya, hinayaan niya lang
Yael’s POV“What’s bring Mr. Miller to our small office today?” Nakangiting salubong sa akin ni Ross pagpasok ko palang sa opisina niya, kung gaano kalawak ang ngiti na nakapaskil sa labi niya ay ganoon naman ang inis na nararamdaman ko.Ang sabi ko sa sarili ko ay titigilan ko na si Hana, pero ‘to ako, hindi pa nawawala ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover dahil sa kalasingan kagabi ay andito na agad ako sa Ross companya para makita siya.“Dalawang beses akong nanghingi ng dokumento sa opisina, oo at pinapadala ninyo ang kailangan ko tungkol sa project pero ang problema ay hindi nasasagot ang tanong ko ng maayos kaya andito ako para…makausap ka ng personal,” sambit ko at tumingin sa paligid.“Oh, really?” May laman niyang tanong at ngumisi. “Para makausap ako ng personal, pero nasa harapan mo na ako pero bakit mukhang iba yata ang gusto mong makita at makausap?”“W-What?” Hindi makapaniwala kong tanong, anong ibig niyang sabihin. “Hindi ko alam ang ibig mo na sabihin, Mr. Ross. Ikaw
Hana’s POV“Hindi mo na ako kailangan na samahan para sunduin si Yohan, Larry. Alam kong busy ka sa mga ginagawa mo, mag-taxi na lang kaming dalawa,” nahihiya kong saad.Kagagaling lang niya sa paglalaro ng golf, ngayon ay pinag d-drive niya ako papunta sa school para sunduin si Yohan. Sobra-sobra na ang ginagawa niya, kahit sabihin pa na magkaibigan kami ay alam kong lagpas na sa linya ang mga naitutulong niya sa aming mag-ina.“Hana, talaga ba na paguusapan ulit natin ‘to? Sabi ko naman sayo, bilang ninong ni Yohan at kaibigan mo, gusto ko kayong tulungan.” Marahang sambit niya at saglit na sumulyap sa akin at muling tumingin sa daan. “Hindi lang siya basta anak ng empleyado ko, kundi anak mo siya, Hana kaya mahalaga siya.”May kung anong humaplos sa dibdib ko pero agad ko na pinagsawalang-bahala kung ano man ‘yon, ngumiti lang ako at hindi na nagpilit pa na h’wag na akong ihatid. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa dapat ng gate ng school, nagsisimula ng maglabas
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang







