“Hindi ka pinapayag na lumabas at gumala. Wow. You’re a changed man? Iba na ‘yan.” Patuloy ni Jeremy, hindi man lang natinag sa kaniyang pagmumura. “Alyssa’s never been my girlfriend, you bastard.” Diretsahan niyang sabi. Naalala niya bigla si Huxley, noong huli silang mag-usap sa isang virtual meeting, nabanggit din nito si Alyssa. Iniisip ng mga kaibigan niya na ang pagkikita nila noon ng aktres sa Paris ay sinadya at hindi nagkataon na lamang. “E, kung hindi si Alyssa ang pumipigil sa’yo, sino? Para kang si Tristan… masyado kayong nagpapa-under sa babae.” Nagtagis ang kaniyang bagang. Ang mga matang madidilim ay lalong nilamon ng dilim. Sa isip niya, ang sarap bigwasan ng kaniyang kausap. “And you’re giving your d*mn opinion about women like you didn't fail three engagements last year.” Puno ng sarkasmo niyang sabi. Kita niya ang pagkakatigil ni Jeremy sa kinatatayuan nito. “Hey… hey…” itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko, saka tumawa ng walang emosyon.
Leer más