تسجيل الدخولMasayang-masaya si Ethan nang makauwi sila ng mommy niya pagkatapos nilang kumain ng steak. Hindi naman na nagtagal si Akira sa bahay ni Megan dahil kailangan niya nang bumalik ng office niya.Umabsent muna si Megan sa trabaho niya at nasabi niya naman iyun kay Rico. Kahit na maaga pa ay hindi na siya pumasok ng office niya. Sasamahan niya na lang ang anak niya sa bahay nila.“Mommy kapag ba nag-entrance ako, pwede bang kasama ko kayong dalawa ni dad?” Request ng anak niya.“Pero ikaw ang birthday celebrant anak. Ikaw lang ang lalabas habang kami ng daddy mo naghihintay sa harap.”“I just want you and Dad to come with me, please?”“If that is what you want, anak. Okay then.” Napangiti si Ethan dahil ibinibigay sa kaniya ng mommy at daddy niya ang lahat ng hilingin niya.“You know, Mommy, I’m so happy because we get to spend time with Daddy all the time now. Thank you for not keeping the truth from him anymore.” Tiningnan ni Megan ang anak niya at matamis na itong nakangiti sa kaniya.
Tahimik na nakamasid si Megan sa anak niya at kay Akira. Nasa studio na sila at ngayong araw ang photoshoot ng anak niya. Hindi na siya ang nag-aasikaso sa anak niya kundi si Akira. Si Akira na rin ang nagtuturo sa anak niya kung paano ba ang tamang pose kapag nakaharap na sa camera. Si Akira rin ang pumili ng maisusuot ng anak niya. Parehong nagustuhan ni Akira at Ethan ang suot ni Ethan ngayon. Pakiramdam ni Megan ay naging assistant na lang siya. Taga punas ng pawis ng anak niya at taga dala ng mga personal things nito.“Look here baby, kunwari galit ang mga mata mo.” Pagtuturo ni Akira dahil nakafierce naman ngayon si Ethan. Sinunod ni Ethan ang lahat ng sinasabi ng daddy niya sa kaniya.Prente lang na nakaupo si Megan at pinapanuod silang dalawa. Effective naman ang lahat ng turo ni Akira sa anak nila dahil magaganda ang kuha ng photographer.Hindi masyadong napapagod si Megan sa pagpaplano para sa birthday ng anak niya dahil nandyan si Akira. N
Hindi mawala sa isip ni Megan ang sinabi ni Akira. Hindi niya magawang magfocus sa trabaho niya dahil gumugulo sa isip ang mga napag-usapan nila ni Akira kagabi. Gusto rin ng anak nila na maayos ang pamilya nila.Bibigyan niya ba ng chance ang pamilya nila? Ipagkakait niya na lang ba sa anak niya ang gusto nitong magkaroon ng kompletong pamilya? Itago niya man ang totoo, hanggang kailan niya maitatago?Aminin niya rin man o hindi pero may puwang pa rin si Akira sa puso niya.Ipinilig niya ang ulo niya. Sinubukan niya na lang magfocus sa mga trabaho niya para hindi niya na maisip si Akira.Nang matapos ang maghapon na yun ay lumabas na siya ng kompanya. Mabagal lang ang pagpapatakbo niya sa sasakyan niya. Hinahanap ang pwesto ng isang ice cream business na madalas niyang binibilhan.Nang maipark niya ang sasakyan niya ay bumaba na siya at pumasok sa loob. Sa dami ng customers nila ay kailangan pa niyang pumila.“Tell him to come to our house later. I need to speak with him.” Rinig ni M
Masayang nagluto ng dinner si Akira habang pinapanuod naman siya ng anak niya. Kapag may kailangan siya ay ipinapaabot niya na lang sa anak niya. Seryosong pinapanuod ni Ethan ang daddy niya dahil gusto niya ring matutong magluto dahil mukhang magaling at masarap magluto ang daddy niya."Are we going to plan your date with Mommy now, Daddy, so you can properly ask her if you can court her po?" Tanong pa ni Ethan. Habang pinapakulo nila ang soup nila at niluluto ang steak ay naupo na muna silang dalawa at nag-uusap.“I'll do that, baby. For now, I need to do some research on what to do, like finding a nice place to take her on a date.” Nakangiting sagot ni Akira. “Huwag kang mag-alala dahil ang mommy mo lang ang liligawan ko at kapag sinagot na ako ng mommy mo. Siya pa rin ang aayain kong pakasalan. Kahit na anong mangyari, hindi ko susukuan ang mommy mo. Hinding hindi ko kayo iiwan.” Pangako ni Akira sa anak niya na ikinangiti naman nito.Masaya si Ethan dahil nakakasama at nakakausap
Nang makauwi silang dalawa ay nagpatulong na si Akira sa mga katulong ni Megan na ipasok ang mga pinamili nila. Sabay naman nang pumasok si Megan at Akira sa bahay.“Daddy?” Tila hindi pa makapaniwalang sambit ni Ethan ng makita niya ang daddy niya.“Hello baby,” nakangiting sagot ni Akira.“Daddy!” Mas malakas ng sigaw ni Ethan ng makumpirma niyang ang daddy niya nga ang nakikita niya. Sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap kaya bahagya namang natatawa si Akira.“Daddy,” umiiyak na wika ni Ethan. Masaya siyang makita ulit ang daddy niya at ngayon ay nasa loob na ito ng bahay nila. Nakangiti si Akira pero pinipigilan niyang hindi bumagsak ang mga luha niya dahil nahahawa siya sa pag-iyak ng anak niya. Magkayakap pa rin silang dalawa.Hindi naman ito ang unang beses ng pagkikita nila pero tuwang-tuwa pa rin si Ethan na makita siya.Tahimik lang namang nakatingin si Megan sa kanila. Nasasaktan siyang marinig ang paghikbi ng anak niya. Sabik na sabik talaga ito sa presensya ng isang
Dumiretso ng mall si Akira at Megan para mamalengke ng mga gagamitin ni Akira sa pagluluto. Si Akira ang nagtutulak ng cart nila habang si Megan naman ang nangunguha ng mga ingredients, gulay at karne na kailangan nila.“Paborito ni Ethan ang lasagna, kinakain niya yun after niya kumain ng kanin. Gustong-gusto niya rin ng steak lalo na yung nakakapit pa sa buto. Gusto niya rin yung adobong karne pero dapat ipiprito mo after. Mas malasa kasi yun kaya mas gusto niya na i-adobo mo muna saka mo iprito. Hindi siya mahilig sa burger ha? Unless homemade.” Napapatango naman si Akira habang nakikinig.Minememorize niya na kaagad sa isip niya ang mga sinasabi ni Megan para hindi niya na kailangang itanong sa susunod.“Mahilig din siya sa cupcakes pero dapat maraming icing sa ibabaw. Gustong-gusto niya rin ng ramen pero dapat yung noodles, homemade. May noodles pa naman ako sa bahay so don’t worry. Gusto niya yung mas maraming sahog kaysa puro noodles.” Dagdag pa ni Megan habang naglalagay siya
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan
Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag







