Share

Kabanata 127

Author: Rhea mae
last update publish date: 2026-09-03 22:20:38

Papasok pa lang sana si Megan sa trabaho niya nang dumating si Nancy. Nakagayak ito. Bahagya pang nagulat si Megan na makita ito dahil ang akala niya ay nakaalis na ito ng bansa at nakabalik ng France.

“Mommyla!” Sigaw ni Ethan na naka-uniform na rin at handa nang ihatid sa school. Niyakap ni Nancy ang apo niya. Ayaw niya sanang umalis dahil hindi pa siya nakakaalis pero namimiss niya na kaagad ang apo niya.

“Tita, akala ko ba nakabalik ka na ng France? Why are you still here?” Kuryosong tano
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Juliet Loyola Bacla-an
Katanga tanga nmn hndi tumawag ng Help
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
iba rin gumalaw ang kalaban
goodnovel comment avatar
Wilma Adorino
more update po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 20

    Pumasok na si Yuna sa school at hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang nangyari sa isla. Pinipilit niya ang sarili niya na kalimutan na lang yun pero may time pa rin na bigla niya na lang maalala.Tulala lang siyang naglalakad papuntang classroom nila.“Yuna! Yuna!” Tawag ni Angelica sa kaniya pero tila wala siyang naririnig. Diretso lang siyang naglalakad at mabagal lang din siyang maglakad. Wala siya sa sarili niya.Nang mahabol ni Angelica ang kaibigan niya ay hinampas niya ito sa braso niya na ikinagulat ni Yuna.“Bakit ka ba nanggugulat?” inis na tanong ni Yuna. Salubong na ang mga kilay niya.“Hindi kita ginugulat. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo ako naririnig. Bingi ka ba? Ano bang nangyayari sayong babae ka?” Nagpatuloy naman si Yuna sa paglalakad at sumabay na si Angelica sa kaniya.“Wala, stress lang siguro ako sa final natin.” Tanging sagot niya. Napapataas naman ang kilay ni Angelica dahil paanong mai-stress ang kaibigan niya gayong basic lang sa kaniya

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 19

    Naligo kaagad si Yuna nang makarating siya ng bahay nila. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang ina dahil hindi niya alam kung nasaan ito. Wala rin sa bahay nila ang kaniyang ama dahil umuwi ito ng Manila.Kanina pa nakababad si Yuna sa loob ng bathroom niya. Nakatulala siyang nakatingin sa pader habang wala sa sariling hinihilod ang sarili. Pinipilit niyang maging masaya dahil lalaking gusto niya naman ang nakakuha ng unang gabi niya pero hindi pala ganun kadali.Narealize niyang hindi rin pala masaya kahit na gusto mo ang lalaki na nakasama mo sa kama dahil wala ka sa sarili mo nang mangyari ang bagay na yun. Nakapagdesisyon siya ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti.Naalala niya namang pinipilit pa ni Sandro na kontrolin ang sarili niya kagabi pero siya itong nakiusap kay Sandro na ituloy na nila.

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 18

    Tinimplahan ni Sandro ng kape si Yuna. May mga ilang bisita na rin ang gising at nagtitimpla na rin ng kape sa sala. Tiningnan ni Sandro si Yuna na nakayuko habang hawak ng dalawang kamay niya ang baso ng kape.“I’m really sorry for what happened last night. Kasalanan ko yun.”Inangat ni Yuna ang ulo niya at tiningnan si Sandro saka siya umiling.“Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi. Nakakahiya mang sabihin pero bigla kasing uminit yung pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng alak. Sana pala hindi na lang ako uminom dahil alam ko namang hindi ako sanay sa alak.”Naikuyom ni Sandro ang kamao niya.“Sino ang nagbigay sayo ng alak kagabi?” Tanong niya.

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 17

    Kinabukasan, nagising si Yuna dahil sa matinding sakit ng ulo na nararamdaman niya. Gusto niya nang bumangon pero ramdam niya ang mabigat na braso na nakayakap sa kaniya. Iniisip niya pa kung ano bang nangyari at kung nakauwi ba siya sa bahay nila.Buong lakas niyang inalis ang kamay na nakayakap sa kaniya saka siya naupo. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na kinaroroonan niya ngayon.Tiningnan niya ang sarili niya at nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang wala siyang saplot kahit isa.“Oh my God! What happened?!” Sigaw niya saka niya hinila ang kumot at ibinalot yun sa sarili niya. Gumalaw naman si Sandro na nakatabi niya saka ito tumihaya.“Ano bang ingay yan? Natutulog pa ako.” Inis niyang sambit saka nito hinila ang unan at niyakap yun. Parang gusto na lang mahimatay ni Yuna sa sitwasyon niya ngayon.“Ibinigay ko ba ang pagkababae ko sa kaniya?” Mabagal niyang sambit sa sarili niya na tila ba hindi siya makapaniwala

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 16

    Tiningnan ni Yuna si Sandro na nakasandal pa rin sa headrest at nakapikit ang mga mata. Nagulat pa siya nang biglang imulat ni Sandro ang mga mata niya at diretso itong nakatingin sa kaniya. Mabilis niyang iniwas ang paningin niya at tumikhim.“Lalabas na muna ako. Magpahinga ka na muna rito.” Saad niya dahil hindi niya na maipaliwanag ang init ng katawan na nararamdaman niya. Kinuha niya ang jacket ni Sandro at ibinaba ito sa side table.Nakasunod naman ang paningin ni Sandro kay Yuna. Mabibigat na ang paghinga niya at para bang hindi mawawala ang init ng katawan niya at ang nararamdaman niyang hilo kapag hindi niya nakuha ang gusto ng katawan niya.Ipinikit niya ang mga mata niya. Ayaw niyang gawin kung ano man ang pumapasok sa isip niya ngayon. Ikinuyom niya ang mga kamao niya at hinintay na makaalis si Yuna pero nagulat na lang siya nang biglang bumagsak si Yuna sa gilid ng kama niya.Dahilan para mas lalong mag-init ang katawan niya nang magdikit ang mga balat nila.“Hey, are you

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 15

    Bumalik sila kaagad sa mga kasama nila nang matapos umihi si Yuna. Nakasunod naman ang paningin ni Mikee kay Yuna kahit na umiinom ito ng alak. Hindi akalain ni Mikee na may mga kilala pala si Yuna sa party. “Sandro, let’s go!” Pag-aaya ni Geyvin nang magsimulang magsayaw ang ibang mga bisita. Hinila na rin nila si Damon at Akira kaya naiwan si Yuna at Mariel sa table nila. Tiningnan lang naman ni Mariel si Yuna. “Dito ka lang ha? I just want to join them.” Ani nito na ikinatango ni Yuna. Umalis naman na si Mariel at sumali na rin siya sa mga kakilala niya. Uminom ng juice si Yuna saka siya kumain ng mga dessert. Gusto niya sanang mag-inom pero nahihiya siya kay Sandro. Nang may biglang umakbay kay Yuna ay inis niya itong tiningnan. “What?” Tanong ni Mikee na nangangamoy alak na. Inis na inalis ni Yuna ang kamay ni Mikee na nakaakbay sa kaniya. “Lasing ka na,” sambit ni Yuna. Ayaw niyang maging tagabantay ng isang lalaking hindi marunong magkontrol ng alak. Tumawa naman si Mike

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 6

    Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 5

    Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 4

    Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero

  • The Billionaire's Secret Heir   Kabanata 3

    Salubong ang mga kilay ni Akira habang hawak-hawak niya ang wineglass na pinapaikot-ikot niya.“Balita ko nasa bahay niyo na ang babaeng mapapangasawa mo. Congrats, ikakasal ka na.” Pang-aasar ni Geyvin saka ito uminom ng alak sa baso niya. Malamig pa rin ang mukha ni Akira. Maraming beses niya nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status