Mag-log inMasayang nag-uusap si Yuna at Angelica sa pool area nila. Nagtatawanan sila habang pinag-uusapan ang pagngiti ni Sandro kay Yuna.“Sabihin mo nga sa akin, magkaibigan na ba kayo ni Sandro?” Nang-aasar na tanong ni Angelica. Napangiti naman si Yuna saka ito kumain ng tiramisu cake niya.“Nasabi ko naman sayo na muntik niya akong mabangga diba? Nakilala niya lang ako kaya siguro nginingitian niya ako every time na magkita kami.” Sagot ni Yuna saka siya uminom ng juice niya.“Ang gwapo niya talaga ‘no? Mabuti pa nga siya ngumingiti eh. Si Damon kasi, medyo seryoso ang mukha nun. Si Akira naman sobrang seryoso niya, para siyang hindi masaya sa buhay niya. Si Geyvin naman kabaliktaran nilang lahat. Siya yung pinakamasaya sa kanilang lahat.”Nagpatuloy ang kwentuhan nila tungkol sa apat na magkakaibigan. Pero ni minsan ay hindi sinabi ni Yuna ang tungkol sa kanila ni Sandro. Natutuwa pa rin siya dahil isang tunay na lalaki si Sandro. Hindi man siya buntis pero handa siyang panindigan ni Sa
Iniwas ni Yuna ang paningin niya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman na kasama niya na naman si Sandro. Pero kapag iniisip niyang nakatakda na siyang ikasal kay Mikee, hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ayaw niya namang madamay si Sandro at ayaw niyang gamitin si Sandro para lang makatakas sa kasal na yun.“Hindi naman kailangan yun. Ayaw makasal kapag minadali lang. Oo, gusto kita. Ikaw ba, gusto mo ba ako? Hindi naman diba? Ayaw ko ng one-sided love lang. Hindi ka magiging masaya sa akin at ayaw kong pagdating ng panahon ay saka ka magsisi at iwan ako. Hindi naman siguro ako mabubuntis lalo na at isang beses lang naman yun. Ang sabi nila kapag unang beses lang ginawa at isang beses, hindi ka mabubuntis.” Saad niya kahit na alam niyang imposible yun lalo na at mahilig siya sa mga medical.Hilaw namang natawa si Sandro.“I’m a future doctor, Yuna. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong sagot sa sinabi mo? Malaki pa rin ang posibilidad na mangyari yun kaya kapag
Pumasok na si Yuna sa school at hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang nangyari sa isla. Pinipilit niya ang sarili niya na kalimutan na lang yun pero may time pa rin na bigla niya na lang maalala.Tulala lang siyang naglalakad papuntang classroom nila.“Yuna! Yuna!” Tawag ni Angelica sa kaniya pero tila wala siyang naririnig. Diretso lang siyang naglalakad at mabagal lang din siyang maglakad. Wala siya sa sarili niya.Nang mahabol ni Angelica ang kaibigan niya ay hinampas niya ito sa braso niya na ikinagulat ni Yuna.“Bakit ka ba nanggugulat?” inis na tanong ni Yuna. Salubong na ang mga kilay niya.“Hindi kita ginugulat. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo ako naririnig. Bingi ka ba? Ano bang nangyayari sayong babae ka?” Nagpatuloy naman si Yuna sa paglalakad at sumabay na si Angelica sa kaniya.“Wala, stress lang siguro ako sa final natin.” Tanging sagot niya. Napapataas naman ang kilay ni Angelica dahil paanong mai-stress ang kaibigan niya gayong basic lang sa kaniya
Naligo kaagad si Yuna nang makarating siya ng bahay nila. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang ina dahil hindi niya alam kung nasaan ito. Wala rin sa bahay nila ang kaniyang ama dahil umuwi ito ng Manila.Kanina pa nakababad si Yuna sa loob ng bathroom niya. Nakatulala siyang nakatingin sa pader habang wala sa sariling hinihilod ang sarili. Pinipilit niyang maging masaya dahil lalaking gusto niya naman ang nakakuha ng unang gabi niya pero hindi pala ganun kadali.Narealize niyang hindi rin pala masaya kahit na gusto mo ang lalaki na nakasama mo sa kama dahil wala ka sa sarili mo nang mangyari ang bagay na yun. Nakapagdesisyon siya ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti.Naalala niya namang pinipilit pa ni Sandro na kontrolin ang sarili niya kagabi pero siya itong nakiusap kay Sandro na ituloy na nila.
Tinimplahan ni Sandro ng kape si Yuna. May mga ilang bisita na rin ang gising at nagtitimpla na rin ng kape sa sala. Tiningnan ni Sandro si Yuna na nakayuko habang hawak ng dalawang kamay niya ang baso ng kape.“I’m really sorry for what happened last night. Kasalanan ko yun.”Inangat ni Yuna ang ulo niya at tiningnan si Sandro saka siya umiling.“Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi. Nakakahiya mang sabihin pero bigla kasing uminit yung pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng alak. Sana pala hindi na lang ako uminom dahil alam ko namang hindi ako sanay sa alak.”Naikuyom ni Sandro ang kamao niya.“Sino ang nagbigay sayo ng alak kagabi?” Tanong niya.
Kinabukasan, nagising si Yuna dahil sa matinding sakit ng ulo na nararamdaman niya. Gusto niya nang bumangon pero ramdam niya ang mabigat na braso na nakayakap sa kaniya. Iniisip niya pa kung ano bang nangyari at kung nakauwi ba siya sa bahay nila.Buong lakas niyang inalis ang kamay na nakayakap sa kaniya saka siya naupo. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na kinaroroonan niya ngayon.Tiningnan niya ang sarili niya at nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang wala siyang saplot kahit isa.“Oh my God! What happened?!” Sigaw niya saka niya hinila ang kumot at ibinalot yun sa sarili niya. Gumalaw naman si Sandro na nakatabi niya saka ito tumihaya.“Ano bang ingay yan? Natutulog pa ako.” Inis niyang sambit saka nito hinila ang unan at niyakap yun. Parang gusto na lang mahimatay ni Yuna sa sitwasyon niya ngayon.“Ibinigay ko ba ang pagkababae ko sa kaniya?” Mabagal niyang sambit sa sarili niya na tila ba hindi siya makapaniwala
“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya mag
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong







