Mandy Ang buong akala ko naman ay wala na akong poproblemahin pa, pero nang makita ko kung sino ang papalapit sa amin ngayon. Gusto ko na lang umatras. Hindi ko naman inisip na tatlo pala kami sa bakasyon. "Hi, Lucas," sigaw niya at lumapit kay Lucas para makipagbeso. Nakatingin lang ako sa kanila. Mukhang napansin niya ako… o napansin niya naman talaga, pero nagpanggap lang siya na hindi niya ako nakita. Tumingin siya sa akin, ibinaba ang kanyang sunglasses, at ngumiti. Nakasuot siya ng mamahaling coat habang may suot siyang inner na navy blue na tube top at mini skirt, tapos naka-leather shoes pa. Bagay nga sila ni Lucas, dahil ang suot ng lalaki ay isang simpleng itim na polo pero nagsusumigaw na ang milyones doon at ang kanyang awtoridad, tapos ang sa baba naman niya ay short na khaki at hindi ko kilalang brand ng sapatos. Dagdagan mo pa ang mamahaling r
Baca selengkapnya