Mandy Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan kung ano ang ipinapakita sa akin ni Lucas. He was consistent in making me feel like I was someone he treasured, yet I feel like I wasn’t. Hindi ko na alam. Hindi ko sigurado. Lalo na tuwing maalala ko na nandito si Samantha, ang babaeng mas babagay sa kanya, ang babaeng walang kapintasan, at higit sa lahat, ang babaeng minahal at sa tingin ko ay mahal pa ni Lucas. Bukas ay uuwi na kami. Pinuntahan ko si Tyler. Wala naman akong ibang kausap dito kundi siya lang, kaya sa kanya sana ako pupunta. Kaso lang, biglang humarang si Lucas—nakataas ang kilay. Itinagilid ang ulo ko. Kanina ay nandoon siya sa room ni Samantha, tapos ngayong lalabas na ako, nandito na siya? Napangiwi ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay. “Where do you think you’re going, huh?” “Kay Tyler,” agap ko. Nagkasalubong na naman ang kanyang kilay nang marinig ang pangalan ng lalaki. “And why are you seeing him?” Pang-uusisa niya. “Dahil
Baca selengkapnya