Mandy Nakaya ko naman. Nakaya kong hindi pansinin ang lalaking iyon ilang araw pagkatapos ng pag-uusap namin.Muli na namang na-delay ang therapy ni Lola dahil umayos na ang katawan niya, kaya dasal ako nang dasal. Tuwing linggo, kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi ng nagmimisa kasi malalalim ang English niya, pinili ko pa ring magdasal para kay Lola. Si, Lucas? Hindi ko alam. Si Samantha naman ay laging nakabuntot kay Lucas. Hinayaan ko na, para naman kasi sila sa isa’t isa, at isa lang naman akong hadlang sa buhay nila, kaya kahit papaano ay masaya ako na kahit hindi pa buo, unti-unti ko nang tinatanggap na kahit anong mangyari. Wala na talagang pag-asa.Na kailangan ko ng magpaubaya sa ngalan ng pag-ibig; it was the hardest decision of my life, but I’m glad that I did it. Finally. At alam ko naman na mawawala na rin ito nang tuluyan kapag tuluyan na akong mawala sa buhay nila, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang i-delay ni Lola ang kanyang surgery, gayo
Baca selengkapnya