Mandy"Congratulations, my dear friend," bungad sa akin ni Tyler nang bumaba ako galing sa hagdan, at siya naman ay nasa sala, mukhang naghihintay sa akin. Madalas ay siya ang hinihintay dahil sobrang tagal niyang pumili ng damit na isusuot, pero ngayon ay mukhang nag-iba na ata ang ihip ng hangin. Nakataas ang aking isang kilay. "At bakit? Dahil ba late ako at ikaw ang nauna?" Tumawa siya nang malakas kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Inirapan ko siya. "Come on, Mandy, don't be so cute." Parinig niya sa akin na animo'y dapat akong kikiligin. Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Matagal na akong cute! Hindi ko na lang siya pinansin at pagkatapos ay nilagpasan ko na siya dahil malalate na ako sa trabaho. Pero ang hinayupak, hinawakan ang aking kamay, tapos pinalingon niya ako sa kanya. Para tuloy ba kaming sumasayaw ng ballroom dance? Sa sandaling iyon, katahimikan ang naghari sa loob ng bahay. Wala akong ibang naririnig kundi ang aking paghinga at ang pagtaas ng dibdib
Baca selengkapnya