Share

Chapter >> 8

Author: Airam Anelé
last update publish date: 2026-06-28 06:36:49

Nakamasid sa labas ng bintana si Xavius, habang sumasariwa sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Alfea. Nagtataka siya dahil tila may hindi tama dito kanina. Bakit pakiramdam niya ay parang wala itong ideya na anak nito si Lucas? Ganun ba ang kagustuhan nito na kalimutan ang kambal? Pero bakit iniuwi nito ang bata kung wala na nga itong pakialam?

Humarap siya sa kanyang likuran at binalingan ang nakaluhod na anak. "Ano, ayaw mo pa rin bang mangako na hindi mo na uulitin ang ginawa mo?" Hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 9

    "Teka, teka, sandali!" pigil ni Rachelle nang sunggaban sila ng mga gwardya. "Xavius, hayaan mo muna sanang makapagpaliwanag si Alfea." "At ano pa ang ipapaliwanag niya? Wala akong oras at panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan niya, kaya makakaalis na kayo... And I warn you, kapag bumalik pa kayo, ipapaaresto ko na kayo!" "Sandali lang, Xavius... Naniniwala ka ba sa sinabi ni Maureen na inabandona nga ni Alfea ang mga anak n'yo para sumama sa iba? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kaibigan ko six years ago? Sinabi ba yun sa'yo ni Maureen?" Kumunot ang noo ni Xavius, pinatigil niya ang mga guwardiya sa pagdakip sa dalawa. "Ano ang gusto mong sabihin?""Makinig kang mabuti... Six years ago, na-coma si Alfea." Natigilan si Xavius, pakiramdam niya ay tila nagkamali ata siya ng dinig. "Na-coma?" "Oo, dahil nabundol siya ng truck. At halos anim na taon din siyang naratay sa ospital." "Xavius... Hindi totoong inabandona ko ang mga anak ko, dahil hindi ko magagawa yun. Mani

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 8

    Nakamasid sa labas ng bintana si Xavius, habang sumasariwa sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Alfea. Nagtataka siya dahil tila may hindi tama dito kanina. Bakit pakiramdam niya ay parang wala itong ideya na anak nito si Lucas? Ganun ba ang kagustuhan nito na kalimutan ang kambal? Pero bakit iniuwi nito ang bata kung wala na nga itong pakialam? Humarap siya sa kanyang likuran at binalingan ang nakaluhod na anak. "Ano, ayaw mo pa rin bang mangako na hindi mo na uulitin ang ginawa mo?" Hindi pa niya pinapalo ito kahit iyon ang nakatakda niyang gawin, dahil binibigyan niya ito ng pagkakataon na magsisi. Isa pa ay hindi din niya maatim na saktan ito. Hindi sumagot si Lucas, mariin lang na nakatikom ang bibig nito. Sa murang edad ay makikitaan na ito ng paninindigan. "Akala mo ba na porke nandito ang lola mo ay hindi na kita magagawang kantiin?" Kinuha ni Xavius ang isang maiksi at itim na latigo sa kanyang drawer. Ipangpapanakot pa lamang niya iyon nang bigla namang magbukas ang pin

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 7

    Tinakpan ni Xavius ang bibig ng anak, ngunit sa laki ng kanyang kamay ay pati ang mukha nito ay natakpan na rin niya. “Shut up! You’re disgusting!” aniya sa babae sa kanyang harapan. “Hmph!” Nag-cross arms si Althea. “Ano, yan lang ba ang sasabihin mo? Akala mo siguro masisindak ako sa’yo, ano?” Nagtiim ang panga ni Xavius sa pagpipigil sa kanyang galit. “I’ll remember this. I... I won’t waste any more time on you.” Hinila niya ang kanyang anak at umalis na. “Sige, layas! Huwag ka nang magpapakita pa sa akin, ha!” sigaw ni Althea sa likuran nila Xavius. Nang bigla siyang lingunin ni Lucas ay natigilan siya. Ramdam niya ang pag-aasam at ang lungkot sa mga mata ng bata. Bigla din siyang nalungkot at nakaramdam ng panghihinayang. _‘Pasensiya na, Luke. Mukhang... malabo nang magkita pa tayo.’_ “Huy, Thea, ang lakas naman ng loob mo. Talagang nagawa mong pagsalitaan nang ganun si Xavius?” ani Rachelle na tila namamangha. “Hindi ka ba natatakot? Paano kung balikan ka niya dahil sa pama

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 6

    Nanlaki ang mga mata ni Althea at lubos na nagtaka. Kailan lang ay nakita niya ito sa kalsada, ngayon ay nasa pinto na niya. _‘Ano naman kaya ang dahilan at nandito ang lalaking ito? Ako kaya ang sadya nito?’_ Nang magtama ang mga paningin nila ay nagpakita ng pagkasuya si Xavius. Kumunot ang noo nito na tila nakaamoy ng mabaho. Tatanungin sana ni Althea kung ano ang kanyang pakay, ngunit nakita niya ang hindi magandang ekspresyon nito sa kanya. “Lucas Knox!” Naramdaman ni Althea ang pag-igtad ng bata sa kanyang tabi. At dahil alam niyang ito ang tinawag ni Xavius ay nadagdagan lalo ang pagtataka niya. _‘Kilala ni Xavius si Luke?’_ “Come here!” Naramdaman ni Althea ang takot ni Luke nang sunggaban nito ang kanyang damit. “Luke, kilala mo ba siya?” Tumango ang bata. “Opo... S-siya po ang daddy ko.” Nanlaki ang mga mata ni Althea. Maging si Rachelle ay nagulat din. “A-ano?!” Napamaang si Althea kay Xavius. Sinong mag-aakala na ang batang kinupkop at kinagiliwan niya ay anak pala

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 5

    "S-sir, pasensya na po, pero... hindi po talaga namin makita si Master Luke sa mga CCTV footage," nakayukong dispensa ng head guard ng mga Montevalle. Galit na hinampas ni Xavius ang mesa sa kanyang study. "Mga walang silbi!" Nahulog ang ilang dokumento na agad dinampot ng matandang Butler. "S-sorry, Sir. Tingin ko po ay sinadyang iwasan ni Master Luke ang mga CCTV camera hanggang sa makaalis siya ng mansiyon." "Puro kayo excuses! What's the use of hiring you?" "Sir... kung meron mang dapat managot sa nangyari, ako po 'yun." Nahilot ni Xavius ang kanyang noo. "No, Butler Greg. Hindi n'yo po kasalanan." "Hindi po, Sir, dahil ako po ang inatasan ni Miss Maureen na mag-asikaso sa little master. Pero nang sabihin niya sa akin na siya na lang daw ang mag-aasikaso sa sarili niya ay iniwanan ko na siya." "Si Maureen?" pagtataka ni Xavius. "Nagpresinta siya na siya na ang mag-aasikaso kay Luke para mawala ang sumpong ng bata sa kanya, 'yun pala ay ipapasa din niya sa iba?" Tumay

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 4

    Nang masilayan ni Althea ang mukha ng bata ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, tila ba may nagsasabi sa kanya na huwag nang pakawalan ito. Nawirduhan siya at parang gusto niyang matawa dahil alam naman niyang hindi niya maaaring gawin 'yun. Tumukod siya sa kanyang tuhod para matapatan ang bata. "Bata, bakit hindi ka pa umuuwi? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Hindi sumagot si Lucas, nakatitig lang ito sa mukha ni Althea. Napahawak si Althea sa kanyang mukha at nagtawa. "Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin? May dumi ba ang mukha ko?" Napayuko si Lucas, bigla itong nahiya. "Sorry po, kamukha n'yo po kasi 'yung babaeng nakita ko sa picture." "Picture? Saan?" pagtataka ni Althea. "Sa loob po," turo ni Lucas sa bahay. "Nung three pa lang ako, dinala po kami ni Mommy Mau dito sa bahay nila." Ganoon na lang ang gulat ni Althea. "M-mommy Mau? Mommy mo si Maureen? A-anak ka ni Maureen?" Biglang sumimangot ang bata. "Hindi po. Hindi po namin siya totoong mommy, nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status