Share

Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!
Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!
Penulis: Airam Anelé

Chapter >> 1

Penulis: Airam Anelé
last update Tanggal publikasi: 2026-06-17 13:31:16

Nang magmulat ng mga mata si Alfea, sumalubong sa kanya ang nakasisilaw na ilaw sa kisame. Ngunit ang ikinakunot ng kanyang noo ay ang matapang at masangsang na amoy ng gamot at disinfectant.

Natigilan ang nurse na nagsasagawa ng round check sa kanya. Sinuri siya nito para masiguro na hindi reflex lang ang pagmulat niya. Nang makumpirma, humangos na ito palabas ng ward. "D-Doc! Gising na po ang pasyente!"

Halos ilang saglit lang ay bumalik din ang nurse na may kasama nang doktor. Matapos suriin si Alfea, hindi ito makapaniwala. "Isa itong himala! After six years of coma... Mabuti na lang talaga at hindi ka sinukuan ni Mr. Valderama."

_‘Six years of coma? Mr. Valderama?’_ Sa isang saglit, nagkaroon ng matinding kirot sa likod ng ulo si Alfea. Biglang nagsulputan ang mga piraso ng kanyang mga alaala, at unti-unting luminaw ang lahat.

Alfea Grace Valderama ang buong pangalan niya. Dalawampu’t pitong taong gulang na siya ngayon kung totoo ngang natulog siya ng anim na taon. Ang Mr. Valderama na tinutukoy ng doktor ay malamang na ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng hindi nito pagsuko sa kanya, hindi naman maganda ang naging alaala niya dito, dahil hinahayaan lang nito na api-apihin siya ng kanyang madrasta at ng half-sister niya sa mahabang panahon.

"Tatawagan ko ang pamilya mo para i-inform sila na gising ka na, ha?" nakangiting wika ng nurse.

Sa halip na matuwa, biglang nataranta si Alfea, ngunit hindi niya maipakita dahil paralisado pa ang katawan niya. Ibinuka niya ang kanyang bibig, ngunit walang boses na lumabas sa kanya. _‘Huwag! Huwag niyo silang tatawagan!’_ Sumariwa sa kanya ang huling tagpo bago siya mawalan ng malay–ang pagkakabundol sa kanya ng isang truck.

Birthday niya noong araw na iyon. Takang-taka siya dahil bigla na lang naging mabait sa kanya ang madrasta niyang si Dolores. Nakangiti pa ito nang abutan siya ng pera. "Heto, birthday mo ngayon kaya mag-celebrate ka. Ayain mo ang mga kaibigan mo at lumabas kayo."

Wala man siyang ebidensya, ngunit malakas ang kutob niya na ang madrasta niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Mahina pa siya ngayon, kaya kung malalaman nito na gising na siya, paano kung may gawin na naman ulit ito sa kanya?

Nakahinga lang siya nang maluwag nang sabihin ng nurse na walang sumasagot sa tatlo. Ang totoo ay palaging nagbabalewala ang mag-inang Dolores at Maureen kapag ang ospital ang tumatawag sa kanila, dahil para sa kanila ay matagal nang patay si Alfea. Ang ama naman ni Alfea na si Victor ay palaging negosyo ang nasa isip, kaya ipinasa na nito kay Dolores ang mga pamamalakad sa tahanan nila.

"Mamaya ko na lang ulit sila tatawagan. Baka busy pa sila."

Bumalik ang pag-aalala ni Alfea. _‘Hindi nila puwedeng malaman na gising na ako, lalong-lalo na si Tita Dolores at Maureen. Kailangang makaalis ako dito.’_

.

.

Nang magmadaling araw na ay saka lang naramdaman ni Alfea na kaya na niyang igalaw-galaw ang katawan niya. Tinanggal niya ang kanyang IV drip at nagpatihulog sa kama. Pagkatapos ay gumapang siya palabas ng ward. Mabuti na lang at walang katao-tao sa labas.

Lumapit siya sa telepono at tinawagan ang nag-iisa niyang kaibigan. "H-Hello... Ra...chelle... Si Al...fea 'to..."

Masayang-masaya si Rachelle nang malaman na nagising na siya. Sinabi ni Alfea ang kanyang sitwasyon at nagpasundo.

Nang dumating si Rachelle, sinuotan nito si Alfea ng windbreaker at iniupo sa isang wheelchair. Lihim silang nakapuslit at sa madilim na garahe nagdaan, sinamantala ang natutulog na guwardiya.

"Whoah! Kinabahan ako sa operation takas natin, Thea, ah!"

Bahagyang ngumiti ang namumutlang si Alfea, ngunit maya-maya ay bigla itong nanghina at nawalan ng malay.

Nang muling magmulat ng mga mata si Alfea, nabalisa siya nang makitang nasa ospital na naman siya, ngunit kinalma siya ni Rachelle. "Huwag kang mag-aalala. Sa ibang ospital kita dinala. Ano na nga pala ang plano mo ngayon?"

"Balak ko sanang magtago muna hangga't hindi ko nasisiguro kung si Tita Dolor nga ba ang may pakana sa nangyari sa akin."

Makalipas ang limang araw ng pagpapalakas sa ospital, nakiusap si Alfea sa doktor na ma-discharge na. Matapos pumirma ng waiver, iniuwi na siya ni Rachelle. Sa apartment muna nito siya tutuloy.

Sa taxi habang pauwi ay naipit sila sa traffic. Nang mapalingon si Alfea sa isang magarang Lamborghini sa di-kalayuan, natigilan siya... Xavius Montevalle. Makalipas ang halos anim na taon ay muli niya itong nakita at hindi pa rin ito nagbabago. Taglay pa rin nito ang malamig na awra sa guwapong mukha nito.

Naalala niya noong una niya itong makita nang magtungo silang mag-aanak sa mansyon ng mga Montevalle. Naalala niya ang matinding hiya niya noon dahil ang suot niyang dress ay ang pinaglumaan pa ni Maureen na halos kupas na ang kulay at may sulsi pa.

Nang i-propose sa kanya ni Don Cenon ang pagpapakasal kay Xavius ay tuwang-tuwa ang ama niyang si Victor, habang hindi naman maipinta ang mukha ng mag-inang Dolores at Maureen.

Wala namang naging tutol si Xavius sa engagement nila hanggang sa may nangyari sa kanila — isang gabi sa isang party. Galit na galit si Xavius kay Alfea dahil buong paniniwala nito ay siya ang dumroga sa kanya, kahit ang totoo ay biktima lang din ito. Magmula noon ay nasuya na si Xavius kay Alfea. May ilang beses din nitong hiniling sa kanyang lolo na ipawalang-bisa ang engagement nila, ngunit hindi pumayag si Don Cenon. Kaibigan kasi nito ang lolo ni Alfea at iyon ang napagkasunduan nila — ang ipagkakasundo ang kanilang mga apo pagdating ng araw.

Agad na itinago ni Alfea ang kanyang mukha at nagpanggap na hindi niya nakita si Xavius, ngunit nakita na rin pala ito ng kaibigan. "Tingnan mo nga naman, Thea. Hindi ba't ang ex-fiancé mo 'yun?"

Napamaang si Alfea. "E-Ex-fiancé?"

"Oo nga pala, hindi mo pa alam dahil anim na taon kang tulog na parang Sleeping Beauty. Kinansela na ng pamilya Montevalle ang engagement niyo sa unang taon pa lang ng pagkaka-coma mo. Tuwang-tuwa nga ang kapatid mong hitad, eh. Akala naman niya ay puwede ka na niyang palitan. Pero tingnan mo, hanggang ngayon, nganga pa rin siya." May bakas ng pagkasuya na sinulyapan ni Rachelle ang sasakyan ni Xavius. "Pero mabuti na rin na hindi mo nakatuluyan ang walang kwentang lalaking 'yan."

Nang sulyapan muli ni Alfea si Xavius, doon lang niya napansin na may katabi pala itong isang magandang babae.

"Hmph! Balita ko ay kung sinu-sinong babae daw ang dine-date niyan. Tingnan mo, parang proud na proud pa siya, o. Parang wala lang talaga sa kanya ang naging engagement niyong dalawa noon. Teka nga..." Binuksan ni Rachelle ang bintana ng taxi. Inilabas niya ang kanyang ulo at, "Hoy Xavius!"

Huli na para pigilan ito ni Alfea dahil biglang lumingon si Xavius sa direksyon nila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    chapter >> 16

    "Mr. Montevalle? Mr. Montevalle?" ilang beses na tawag ng doktor nang bigla na lang hindi sumagot si Xavius. Agad naman itong nagbalik sa kaniyang wisyo. "Y-yes, I'm sorry.""Puwede po ba namin makuha ang medical records niya sa ospital kung saan siya na-coma, pati ang attending physician niya doon?"Natigilan si Xavius, bigla itong nakaramdam ng pag-aalangan sa kanyang sarili. "Well... h-hindi ko kasi alam. Wala akong alam kung saan siya na-confine."Napamaang ang doktor. _'Asawa mo, hindi mo alam?'_Bago umalis ng ospital, tatawagan muna sana ni Xavius si Victor ngunit pinigilan siya ni Maureen. "A-ako na ang bahalang magsabi kay daddy."Pinakatitigan siya ni Xavius. "Alright."Six years ago, ito ang nagsabi sa kanila na sumama sa ibang lalaki si Alfea, ngayon ay nagdududa siya. Bilang kapatid ni Alfea, tiyak na alam nito ang nangyari dito, ngunit, bakit wala itong sinabi sa kanila?Namula ang pisngi ni Maur

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 15

    "Diyos ko... N-nag-aagaw buhay ba siya? Xavius, anong nangyayari?" tanong ni Xonia. "Hypothermia, Mom, na humantong sa cardiac arrest. Sa nipis ng katawan niya, maaaring hindi niya kinaya ang lamig. Kanina nang binuhat ko siya, parang yelo na siya." Nang marinig ito ni Maureen, bigla siyang nakaramdam ng pag-uusig. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa at hindi na siya mapakali. Animo'y nag-aalala para sa kapatid ang hitsura nito. Umalis siya dahil ayaw niyang malaman ang kahihinatnan ni Alfea. Nagtungo siya sa may fire exit at tinawagan ang kanyang ina. "Mommy, anong gagawin ko?" Nakakagat niya ang kanyang daliri. "Bakit, anong nangyari?" "Kasi, pinagplanuhan ko si Alfea, eh..." "Oh! O, e, ano naman? Mabuti't may ginawa ka na, akala ko ay hahayaan mo lang siya. Naku, Maureen, baka dumikit-dikit ang babaeng yan kay Xavius, ha? Bantayan mo yan." "Mommy, makinig ka muna. May malaking problema kasi, eh." "An

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 14

    Dali-daling binuhat ni Xavius ang halos wala nang malay na si Alfea para dalhin sa ospital. "Stupid woman! Bakit ka pumasok sa loob, nagpapakamatay ka ba?" Napukaw ang atensyon ng mga bisita nang bigla na lang siyang sumulpot na may buhat na babae. Gulat na gulat si Xonia nang makita siyang humahangos. "Xavius! What's happened?" "Mom, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. I need to rush her to the hospital first." Tangka sanang susunod sa ama si Rosie ngunit hinila ito ng kanyang lola. "Rosie, dito ka lang." "Mommyla! It's all my fault. Kapag namatay si bad woman, kasalanan ko!" At umiyak ito. "Xavius! Xavius!" Nananakbong lumapit si Maureen nang makita niya ang sitwasyon. Naibaon na lamang niya ang mahahaba niyang mga kuko sa kanyang palad dahil alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. _'Nakakainis! Naturuan ko nga ng leksyon si Alfea pero bakit ganito ang naging kapalit? Talagang si Xavius pa ang bumuhat sa kanya para dalh

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 13

    "Tara na." "Ha?" Pagtataka ni Alfea. "Gusto mong makita ang mga anak mo, hindi ba?" Nagduda si Alfea. "Maureen, talaga bang gusto mo akong tulungan?" Misteryosang ngumiti si Maureen. "Oo naman." At nagpatiuna na ito. Dahil sa excitement ay hindi na inintindi ni Alfea kung saan siya dinala ng kapatid. "Papupuntahin ko ang mga anak dito, pumasok ka muna sa loob." Pagpasok ni Alfea ay pinagmasdan niya ang buong silid. _'Anong klaseng kuwarto ito?'_ Nangunot ang noo niya at napatakip siya ng ilong. _'Bakit ang lansa at parang amoy nabubulok na karne ang amoy dito?'_ Sa patuloy niyang pagmamasid ay nagulat siya nang may bigla na lang kumalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nakasara na ang pinto, kasunod niyon ay bigla din siyang nakarinig ng tunog ng makina. "A-ano iyon?" Binuksan niya ang pinto, ngunit dahil sa post-coma muscle weakness niya ay hindi sumapat ang lakas niya. Nang sumilip siya sa sala

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 12

    Mommy?" Dinala ni Maureen si Rosie sa isang tabi. "Makinig kang mabuti, may importante akong sasabihin sa'yo... Ngayong gabi ay may darating na bad woman para agawin ang Daddy n'yo." Napamaang ang bata, bago makitaan ng galit ang maliit na mukha nito. "Is that true, Mommy?" Bigla siyang nag-aalala. Paniwalang-paniwala siya sa kanyang ina-inahan, sa murang edad ay hindi niya naiisip na pinaiikot lang siya nito. "Mommy, ayoko pong makuha ng bad woman si Daddy. Should we call the police?" "No! Makinig ka, ganito ang gawin mo." Binulungan ni Maureen ang bata. Samantala: "Xavius, bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Kinaladkad ni Xavius si Alfea at wala itong magawa sa lakas niya kung hindi ang magpatangay na lang. Dinala niya ito sa dakong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binalaan na kita na huwag ka nang magpapakita pa?" "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito, ah? Nagpunta ako para sa mga anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magiging kab

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 11

    Luke..." Banayad na tawag ng matandang puro puti na ang buhok. Ito ang matandang pumigil kay Xavius sa study, ang lola niyang si Florencia. "Dear, you can't talk to your dad like that. He's your father." "But Grandma, he is stopping us from seeing our Mommy. Can we see her, please?""Xavi." Tawag ni Xonia, ang ina ni Xavius. "Anong gagawin mo sa sitwasyong ito?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng yun? Nagugulo tuloy ang pamilya natin nang dahil sa kanya." "Xavius, you should fix this." Utos ng kanyang ama na si Philip. "Don't let that woman affect our family. At lalong-lalo, huwag mo siyang hahayaang makalapit sa mga apo ko, maliwanag ba?" "Yes, Dad." "No!" Tutol ni Lucas. "Why are you ganging up on our Mommy? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah?" "Young man, you better stop it, or I will punish you. Aalalahanin mong hindi pa kita napapanagot sa paglalayas mo. Alam mo bang hindi lang ako ang pinag-alala mo kung hindi pati ang mga lola at lolo mo?"

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status