共有

Chapter >> 2

作者: Airam Anelé
last update 公開日: 2026-06-17 13:31:54

Nang lingunin ni Xavius ang taxi, biglang kumitid ang mga mata niya nang makilala niya ang isang babae doon na biglang nag-iwas ng tingin. _'So, nakabalik na pala siya.'_ Biglang nagbalik sa kaniyang alaala ang naging mainit na karanasan niya dito, anim na taon na ang nakakaraan. Tila bigla na lang siyang nauhaw, kaya napalunok siya. Kailangan niyang kalmahin ang kaniyang sarili dahil nagmamaneho siya, kaya hinimas-himas niya ang hita ng katabing babae.

Sinadyang umungol ang babae na ikinakunot ng kaniyang noo. "Your moan is ugly."

Napahiya ang babae at ngumuso na lang.

Sa hotel, habang nagsha-shower ang babae, nakatanaw si Xavius sa mga kalapit na building sa bintana. Ngunit ang isipan niya ay nasa kung saan. _'Almost six years kang hindi nagpakita, bakit bumalik ka pa?'_ Nagtiim ang kaniyang mga bagang, at bumakas ang pagkamuhi sa guwapo niyang mukha.

Bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas ang nakatapis lang na babae. "Xavius~ I'm ready~" Nagtungo siya sa harapan ni Xavius at yumakap sa leeg nito. Nang tangkang hahalikan niya ito sa labi, bigla siyang binuhat ni Xavius at inihagis sa kama.

Matapos isara ni Xavius ang kurtina ng mga bintana ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kurbata at ang damit niya.

Kinagat ng babae ang kaniyang labi at ibinuka ang kaniyang mga hita na para bang nag-iimbita. Ngunit nagtaka siya nang biglang kumuha ng itim na tela sa kung saan si Xavius. "Close your eyes and be obedient," utos niya, at piniringan siya nito.

Na-excite ang babae. "Ganito pala ang gusto mo? I like that." Nang alisin ni Xavius ang tuwalya sa katawan niya, inakala niyang sisimulan na siyang romansahin nito. Ngunit bigla siyang pinihit padapa nito sa kama. Ilang sandali pa, nagulat na lang siya nang may biglang pumasok nang marahas sa kaniya. "Wait! W-wala ba tayong f**eplay muna?"

"I'm in a hurry, so shut up and just take it." At walang awa siyang inatake ni Xavius.

Napuno ng p*gda*ng at p*g-vngol ang buong kwarto, na hindi malaman kung dahil ba sa matinding passion o pighati.

.

.

Halos madilim na nang makauwi si Xavius.

"Good evening, Sir," bati ng head guard na naka-post sa pasukan ng mansiyon.

Iniabot ni Xavius ang dalang leather bag dito. Kulimlim ang kanyang mukha at makikitang hindi maganda ang kanyang mood sa kabila ng "paglilibang" niya kanina. Paano kasi, habang may kasiping siyang iba, ang mga maiinit niyang sandali sa kinamumuhiang babae ang pilit sumisiksik sa isipan niya. Kahit halos anim na taon na iyon nangyari, sariwa pa rin iyon sa kaniyang alaala.

Sa loob ng mansiyon:

"Little master, hindi ba't birthday party n'yo na ni little miss mamaya? Bakit hindi ka pa naliligo? Baka mapagalitan ka na naman ng mommy mo niyan?" ani ni Butler Gregory sa isang batang lalaki na nasa limang taong gulang. Kamukhang-kamukha ito ni Xavius, lalo na kapag kumunot ang noo nito.

"Mommy? Hindi ko naman mommy 'yun, eh," walang pakialam na sagot ng bata habang abala sa pagmamaniobra sa drone na ibinili pa sa kaniya ng kaniyang ama sa abroad. Sa musmos pa lang na edad, parang nasa walong taon na ito kung mag-isip at magsalita.

"Anong sinabi mo, Luke?! Ulitin mo nga!" biglang sugod ng isang galit na babae na may kulot na buhok at mataas na heels—si Maureen, ang half-sister ni Alfea.

"Mommy, wait!" reklamo ni Rosie, ang kambal ng batang lalaki. Hawak-hawak ni Maureen ang kamay nito, kaya nang bigla siyang sumugod ay nakakaladkad niya ito.

"Lucas Knox, I dare you to say that again!"

Malamig lang na sinulyapan ni Lucas ang kaniyang "mommy," pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin.

Nagalit nang husto si Maureen sa inasta ng bata. Dati-rati naman ay masunurin ito sa kaniya—yung tipong ayaw nitong nagagalit siya dito. Ngunit magbuhat nang malaman nito at ni Rosie na hindi siya ang tunay nilang ina, bigla itong nagbago. "Mukhang masyado akong naging maluwag sa'yo, ah? Mukhang kailangan na talaga kitang disiplinahin!" Iniangat niya ang kaniyang kamay at handa na sanang paluin ang bata nang biglang dumating si Xavius.

"Anong nangyayari dito?"

Biglang nawala ang galit sa mukha ni Maureen. Agad itong lumapit kay Xavius at nagpaawa. "Xavi~ tingnan mo ang anak mo, hindi na niya ako iginagalang ngayon."

Binalingan ni Xavius ang anak. "Luke, anong nangyari?"

"Hump!" ang tanging naging sagot ng bata. Dinampot niya ang drone, at umakyat sa kaniyang kuwarto.

Pag-alis ni Lucas ay agad lumapit si Maureen at kinapitan siya sa braso. "Xavi~ mukhang napagod ka sa maghapong trabaho sa kumpanya, ah. Nagugutom ka na ba? Ipinagluto kita, gusto mo na bang—"

"Hindi ako nagugutom," putol ni Xavius. Iniwanan niya ito para sundan si Lucas.

Gusto mang sundan ni Maureen si Xavius, ngunit alam niyang hindi nito magugustuhan iyon. Nagpapadyak na lang siya sa inis. "Nakainis!" Sa halos anim na taon ng paglalabas-masok niya sa mansyon ng mga Montevalle, wala siyang sinayang na pagkakataon para makuha ang loob at ang pag-ibig ni Xavius. Ngunit wala pa ring nangyayari hanggang ngayon.

Binalingan niya si Rosie. Hinila niya ito at dinala sa isang tagong dako kung saan alam niyang hindi mahahagip ng CCTV camera. "Kayo ng kapatid mo, mga wala kayong kuwenta! Nagprisinta akong maging ina n'yo para sa ama n'yo. Ginawa ko na ang lahat ng puwede kong gawin, nagpakaalipin ako sa inyo. Pero bakit hindi pa rin niya ako matanggap?" Mariin niyang sinunggaban ang maliit na braso ng batang babae.

"Aray, Mommy! Masakit!" daing ni Rosie na walang kamalayan kung ano na naman ang kaniyang ikinagagalit.

"Tumahimik ka!" singhal ni Maureen. "Makinig kang mabuti. Mamaya sa party, magsu-suggest ako sa daddy n'yo na mag-stay na dito sa inyo para matutukan ko ang pag-i-school n'yong magkapatid. Ang gusto ko, udyukan mo siya para hindi siya makatanggi. Naintindihan mo? Kapag hindi mo siya nakumbinsi, humanda ka sa akin!"

Pinuntahan ni Xavius si Lucas sa kwarto nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at sumandal sa hamba nito habang naka-cross arms. "Speak. Ano ang dahilan at nagkakaganyan ka? Alam mo bang napapansin na rin ng lolo at lola mo ang pagbabago ng ugali mo?"

Hindi pinansin ni Lucas ang ama. Nakadapa lang ito sa kama habang naglalaro ng transformer robot niya.

Lumapit si Xavius at inagaw ang laruan, dahilan para tumayo ang bata at kunin iyon. Ngunit itinaas ni Xavius ang kaniyang kamay. "You big bully, give it back!"

"Say it. Ano muna ang dahilan ng pagkakaganyan mo?"

Ngumuso si Lucas. "Gusto mong malaman? Fine!" Biglang namula ang mga mata nito. "I want my mommy! My real mommy! Do you hear me? Bakit wala siya dito? Bakit niya kami iniwan?!" At pumalahaw ito ng iyak.

Natigilan si Xavius. Pakiramdam niya ay tila ba may kung anong pumipiga sa kaniyang puso, napabuntung-hininga na lamang siya. Hinila niya ang bata at niyakap.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    chapter >> 16

    "Mr. Montevalle? Mr. Montevalle?" ilang beses na tawag ng doktor nang bigla na lang hindi sumagot si Xavius. Agad naman itong nagbalik sa kaniyang wisyo. "Y-yes, I'm sorry.""Puwede po ba namin makuha ang medical records niya sa ospital kung saan siya na-coma, pati ang attending physician niya doon?"Natigilan si Xavius, bigla itong nakaramdam ng pag-aalangan sa kanyang sarili. "Well... h-hindi ko kasi alam. Wala akong alam kung saan siya na-confine."Napamaang ang doktor. _'Asawa mo, hindi mo alam?'_Bago umalis ng ospital, tatawagan muna sana ni Xavius si Victor ngunit pinigilan siya ni Maureen. "A-ako na ang bahalang magsabi kay daddy."Pinakatitigan siya ni Xavius. "Alright."Six years ago, ito ang nagsabi sa kanila na sumama sa ibang lalaki si Alfea, ngayon ay nagdududa siya. Bilang kapatid ni Alfea, tiyak na alam nito ang nangyari dito, ngunit, bakit wala itong sinabi sa kanila?Namula ang pisngi ni Maur

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 15

    "Diyos ko... N-nag-aagaw buhay ba siya? Xavius, anong nangyayari?" tanong ni Xonia. "Hypothermia, Mom, na humantong sa cardiac arrest. Sa nipis ng katawan niya, maaaring hindi niya kinaya ang lamig. Kanina nang binuhat ko siya, parang yelo na siya." Nang marinig ito ni Maureen, bigla siyang nakaramdam ng pag-uusig. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa at hindi na siya mapakali. Animo'y nag-aalala para sa kapatid ang hitsura nito. Umalis siya dahil ayaw niyang malaman ang kahihinatnan ni Alfea. Nagtungo siya sa may fire exit at tinawagan ang kanyang ina. "Mommy, anong gagawin ko?" Nakakagat niya ang kanyang daliri. "Bakit, anong nangyari?" "Kasi, pinagplanuhan ko si Alfea, eh..." "Oh! O, e, ano naman? Mabuti't may ginawa ka na, akala ko ay hahayaan mo lang siya. Naku, Maureen, baka dumikit-dikit ang babaeng yan kay Xavius, ha? Bantayan mo yan." "Mommy, makinig ka muna. May malaking problema kasi, eh." "An

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 14

    Dali-daling binuhat ni Xavius ang halos wala nang malay na si Alfea para dalhin sa ospital. "Stupid woman! Bakit ka pumasok sa loob, nagpapakamatay ka ba?" Napukaw ang atensyon ng mga bisita nang bigla na lang siyang sumulpot na may buhat na babae. Gulat na gulat si Xonia nang makita siyang humahangos. "Xavius! What's happened?" "Mom, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. I need to rush her to the hospital first." Tangka sanang susunod sa ama si Rosie ngunit hinila ito ng kanyang lola. "Rosie, dito ka lang." "Mommyla! It's all my fault. Kapag namatay si bad woman, kasalanan ko!" At umiyak ito. "Xavius! Xavius!" Nananakbong lumapit si Maureen nang makita niya ang sitwasyon. Naibaon na lamang niya ang mahahaba niyang mga kuko sa kanyang palad dahil alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. _'Nakakainis! Naturuan ko nga ng leksyon si Alfea pero bakit ganito ang naging kapalit? Talagang si Xavius pa ang bumuhat sa kanya para dalh

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 13

    "Tara na." "Ha?" Pagtataka ni Alfea. "Gusto mong makita ang mga anak mo, hindi ba?" Nagduda si Alfea. "Maureen, talaga bang gusto mo akong tulungan?" Misteryosang ngumiti si Maureen. "Oo naman." At nagpatiuna na ito. Dahil sa excitement ay hindi na inintindi ni Alfea kung saan siya dinala ng kapatid. "Papupuntahin ko ang mga anak dito, pumasok ka muna sa loob." Pagpasok ni Alfea ay pinagmasdan niya ang buong silid. _'Anong klaseng kuwarto ito?'_ Nangunot ang noo niya at napatakip siya ng ilong. _'Bakit ang lansa at parang amoy nabubulok na karne ang amoy dito?'_ Sa patuloy niyang pagmamasid ay nagulat siya nang may bigla na lang kumalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nakasara na ang pinto, kasunod niyon ay bigla din siyang nakarinig ng tunog ng makina. "A-ano iyon?" Binuksan niya ang pinto, ngunit dahil sa post-coma muscle weakness niya ay hindi sumapat ang lakas niya. Nang sumilip siya sa sala

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 12

    Mommy?" Dinala ni Maureen si Rosie sa isang tabi. "Makinig kang mabuti, may importante akong sasabihin sa'yo... Ngayong gabi ay may darating na bad woman para agawin ang Daddy n'yo." Napamaang ang bata, bago makitaan ng galit ang maliit na mukha nito. "Is that true, Mommy?" Bigla siyang nag-aalala. Paniwalang-paniwala siya sa kanyang ina-inahan, sa murang edad ay hindi niya naiisip na pinaiikot lang siya nito. "Mommy, ayoko pong makuha ng bad woman si Daddy. Should we call the police?" "No! Makinig ka, ganito ang gawin mo." Binulungan ni Maureen ang bata. Samantala: "Xavius, bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Kinaladkad ni Xavius si Alfea at wala itong magawa sa lakas niya kung hindi ang magpatangay na lang. Dinala niya ito sa dakong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binalaan na kita na huwag ka nang magpapakita pa?" "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito, ah? Nagpunta ako para sa mga anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magiging kab

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 11

    Luke..." Banayad na tawag ng matandang puro puti na ang buhok. Ito ang matandang pumigil kay Xavius sa study, ang lola niyang si Florencia. "Dear, you can't talk to your dad like that. He's your father." "But Grandma, he is stopping us from seeing our Mommy. Can we see her, please?""Xavi." Tawag ni Xonia, ang ina ni Xavius. "Anong gagawin mo sa sitwasyong ito?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng yun? Nagugulo tuloy ang pamilya natin nang dahil sa kanya." "Xavius, you should fix this." Utos ng kanyang ama na si Philip. "Don't let that woman affect our family. At lalong-lalo, huwag mo siyang hahayaang makalapit sa mga apo ko, maliwanag ba?" "Yes, Dad." "No!" Tutol ni Lucas. "Why are you ganging up on our Mommy? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah?" "Young man, you better stop it, or I will punish you. Aalalahanin mong hindi pa kita napapanagot sa paglalayas mo. Alam mo bang hindi lang ako ang pinag-alala mo kung hindi pati ang mga lola at lolo mo?"

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status