Larkin's POV'Bihira akong magising nang ganito kaaga, lalo na kung halos wala akong tulog. Pero ngayong umaga, napilitang bumangon ang katawan ko, kahit ayaw sumuko ng isip ko sa bigat ng gabi. Tumayo ako sa harap ng salamin ng penthouse, tanaw ang buong Metro Manila sa ilalim ng malambot na liwanag ng araw. Sa kamay ko, may tasa ng itim na kape. Mainit pa, pero hindi ko magawang tikman. Sa bawat lagok ng hangin, parang may lamig na nanunuot mula sa labas hanggang sa puso ko.Kahapon, hindi lang si Kiarra ang nakita ko. Parang may nakita akong buhay na dati kong hawak, pero ngayon ay tuluyan nang nawala. Lahat ng plano, lahat ng paninindigan, parang nawasak ng isang ngiti, ng isang sulyap, ng isang titig na hindi na para sa akin.Piliting kong ibalik ang sarili ko sa kasalukuyan. Nagsuot ako ng navy blue suit—isa sa pinakapaborito ko—at siniguradong perpekto ang ayos ng buhok, ng relo, ng bawat detalye. Sa mundo namin, mahalaga ang hitsura, pero hindi iyon sapat para maitago ang mga
最終更新日 : 2026-07-15 続きを読む