Umaga, maaraw, at parang walang bakas ng kahapon sa corporate façade ng De Vera Holdings. Dumating na ako, pero hindi ako unang naroon. Ngayon, mas maaga si Kiarra. Nang lumabas siya ng elevator, ramdam agad ang presensya niya: maayos ang buhok, eleganteng tailored suit, walang alinlangang lakad. Wala na ang dating pagdadalawang-isip.Tahimik siyang naglakad sa hallway, secretary sa gilid niya.“Ma’am, nandito na po sila,” ulit ng secretary.“Sino ang kasama ni Mr. Del Fuego?” tanong niya, professional.“Legal team, Chief Financial Officer, at si Mr. Morcan.”Tumango si Kiarra, pero bago siya tumuloy, tinanong pa niya: “Siya?”“Nasa conference room na po.”Napapikit siya nang saglit, mahina lang, pero ramdam ko kahit hindi niya ako tinitingnan.“Okay,” sagot niya, bago pumasok sa silid na iyon—handa, kalmado, at hindi na ako ang bumabagabag sa focus niya.Conference room. Mahaba ang mesa, puro dark wood. Projectors, coffee, stacks of documents. Puro executives at abogado, bawat isa ay
最終更新日 : 2026-07-27 続きを読む