Nakatayo si Samantha sa kabilang dulo ng elegante at punong-punong Grand Ballroom ng De Vera Holdings. Hawak niya ang wine glass, ngunit mas mahigpit ang pagkakapit niya sa mga damdaming pilit niyang itinatago. Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya sina Kiarra, Larkin, Alexander, at Ashton—magkakasama, nag-uusap, at tila walang ibang mundo kundi sila.Habang pinagmamasdan niya ang apat, lalo niyang nararamdaman ang inggit na matagal na niyang kinikimkim. Bakit nga ba siya? Bakit si Kiarra, na dati ay isa lang tagasilbi sa bahay nila, ngayon ay sentro ng atensyon, Vice President na, De Vera na, mga international executives ang kasama, at higit sa lahat, nariyan si Alexander… at si Larkin.Bata pa lang sila ni Larkin, magkaibigan na sila. Siya ang lagi nitong kakampi, lagi niyang kasama sa mga lumang party, sa mga family picnic, sa bawat tagumpay at kabiguan. Pero bakit, sa kabila ng lahat ng iyon, kay Kiarra pa rin bumabalik ang mga mata ni Larkin? Hindi man siya lumalapit, hindi
最終更新日 : 2026-07-09 続きを読む