LarkinTahimik akong naglalakad sa tabi ni Ashton sa executive floor ng De Vera Holdings. Ang bawat hakbang ay ramdam—marble ang sahig, naririnig ko ang halos walang tunog na yabag ng mga Italian-made na sapatos namin. Sa kaliwa at kanan, mga glass wall na nagpapakita ng city skyline, mga painting na alam kong daang libo ang halaga, at mga empleyadong halos hindi humihinga kapag dumadaan kami.“Three years... and you’ve doubled the company’s value,” sabi ko, tinitingnan siya sa gilid ng mata.“Business doesn’t wait,” sagot ni Ashton, malamig ang tono, parang may dinadala na hindi niya sinasabi.Napangiti ako, pilit na nagpapagaan ng usapan. “Neither do you.”Bahagya siyang ngumiti—makita lang iyon ng kahit sino, alam mong bihira.“Someone has to,” tugon niya.Pagdating namin sa conference hall, bumungad ang isang silid na parang mismong boardroom ng mga hari—mahahabang mesa, leather seats, LCD walls na nagpapakita ng mga graph, market shares, blueprints. Pero ramdam kong hindi lang ne
Last Updated : 2026-07-03 Read more