Larkin Del FuegoMaaga pa lang, hindi na ako makatulog. Imbes na bumalik sa kama, lumabas ako sa hotel garden. Malamig ang hangin, dampi ng hamog sa damo, at nagsisimula nang kumanta ang mga ibon. Sa unang pagkakataon sa ilang taon, hindi negosyo ang laman ng isip ko. Hindi rin galit, hindi lungkot. Naisip ko lang si Kiarra—hindi romantiko, hindi tungkol sa nakaraan. Naalala ko lang kung gaano siya ka-peaceful kahapon, habang nakangiti, habang tumatawa.Sa sarili ko, mahina kong inamin, "I forgot how beautiful peace looks on her." May kakaibang lungkot, pero higit doon, may pag-asa.Dumating si Morcan, may dalang dalawang tasa ng kape. Tama ang kutob niya kung saan ako matatagpuan.Morcan, may ngiti, “You always come here when your head is too noisy.”Napatingin ako, “Am I that predictable?”Mahina siyang tumawa, “Only for twenty years.”Napatawa ako, unang beses sa mahabang panahon na hindi pilit.Saglit siyang tumahimik, tapos seryoso, “Boss... are you happy?”Hindi ako sumagot agad
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-05 Mehr lesen