Hindi ko na hinintay na tumagal ako sa probinsya dahil agad din naman akong nag byahe pabalik ng maynila. Pagod na pagod ang katawan at isipan ko nang tuluyan kong marating ang mansiyon, nanatili akong nakatayo sa may gate bago ako tuluyang pumasok, naka salubong ko pa si mang raul. He looked relieved when he saw me. “Naku Carmella hija, buti naman at nakauwi kana,” Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Bakit po mang Raul?” Inayos ko ang bag na naka sabit sa balikat ko.“Hinahanap ka ng senyorito, galit na galit na hindi ka raw nagpaalam sa kanya,” Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya sa akin. “Hindi po ba nasabi ni nanay Lita? Sa kanya po ako nagpaalam eh,” “Hindi ko alam hija, mabuti pa ay magpakita kana sa senyorito,” Hindi ko na hinintay ang sinabi ni mang Raul at nag mamadali na akong pumasok ng mansiyon. Nadatnan ko ang senyorito na nasa sala, magkatabi silang dalawa ni Ivy na nakaupo sa sofa, sabay na bumaling ang tingin nila sa akin. Pagod akong bumu
Last Updated : 2026-07-17 Read more