“Ang ganda talaga ni Danice! Parang diyosa!”“Oo nga! Sayang lang talaga ang ate niya. Ang layo ng agwat.”“Kung ako ang magulang nila, ikakahiya ko rin ang panganay.”Isa-isang tumama ang mga salitang iyon sa tenga ni Heile Revilla habang tahimik siyang nakatayo sa gilid ng malaking garden ng Revilla Mansion.Ngunit hindi siya umiiyak.Sanay na siya.Dalawampu’t tatlong taong gulang na siya, ngunit simula pagkabata ay iisa lang ang tingin ng mga tao sa kanya—isang babaeng mahina ang isip.Habang ang nakababatang kapatid niyang si Danice Belle Revilla ang ipinagmamalaki ng pamilya, siya naman ang tinatagong anak na ayaw ipakilala sa mga bisita.“Kuya, pakialis nga si Ate rito. Baka makita pa siya ng mga media,” mahinang bulong ni Danice sa kanilang head maid.Narinig iyon ni Heile.Ngumiti lang siya.Hindi dahil masaya siya.Kundi dahil iyon na ang naging paraan niya para itag
Last Updated : 2026-06-30 Read more